CHAPTER 13

3044 Words

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil paparating na si Lucas para sunduin ako. Habang nakaupo kami sa malambot na sofa at nanonood sa 72-inches na smart television, tuwang-tuwa ang pamilya ko dahil pakiramdam nila ay nasa sinehan sila. Hindi na rin pinagpapawisan si Tatay dahil bukas ang aircon sa sala. Bawat bahagi ng bahay namin ay may aircon kaya komportable ang pamilya ko ngayon. Ang sabi nga ni Nanay, para daw kaming nanalo sa lotto dahil biglang gumanda ang buhay namin. Natupad na ang mga pangarap nila noon. Ito rin ang naging dahilan kaya lumakas ang loob kong ipagpatuloy ang pagpapakasal kay Lucas. “Halley, nasaan na raw si Lucas? Baka lumamig na ang pancit bihon na niluto ko,” wika ni Nanay. Hindi lang pancit bihon ang niluto niya; nagluto rin siya ng shanghai.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD