CARA MIGUEL dropped me off home katulad ng napagkasunduan namin. Tahimik lang ako sa kotse n'ya. Hindi naman siguro ganoon kalala ang problema sa farm para mailit. At bakit naman isasangla ni Papa ang hacienda? Ano ang pinagkagastusan n'ya sa loob ng dalawang taon? Noong umalis ako ay maayos naman ang farm. Wala naman s'yang naiikwento sa akin but I didn't ask either. Am I bad daughter? Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa bahay. Ipinagbukas n'ya ako ng pinto at inilahad ang kamay n'ya pero hindi ko 'yon inabot. Lumabas akong mag-isa at saka naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ay hinigit n'ya ako sa baywang. "Ano ba Mi — uhmp!" He claimed my mouth for a kiss. My eyes widened in shock but it shortly closed after, at namalayan ko na lang na nakapaikot na ang braso ko sa leeg n'ya