"Anong sinabi mo?" Gulat na tanong nya sa sinabi nito. Sana nagkamali lang sya ng dinig. "You heard me right! pagmamay-ari kita Catrina Surias! buong-buo!" Ulit nito. Lalo syang naguluhan sa mga nangyayari. "You're insane Andrew yo-" "I bought you! binili kita Yna! ang lahat sa iyo ay pagmamay-ari ko!" Mariing putol nito sa sasabihin pa sana nya. Iniling nya ang ulo ng pauli-ulit. Hindi alam kung ano ang sasabihin nanatili syang nakamata sa galit na mga mata nito, sinusuri kung totoo ang sinasabi nito. Seryoso ito at wala syang bakas na nagbibiro ito sa kanya. Pakiramdam nya nanlalambot ang mga tuhod nya. Nanghihina sya. "Matagal ng palugi ang Asyenda nyo!" Panimula nito at naupo sa ibabaw ng mesa habang nakatingin kanya na hindi parin kumikilos sa kinatatayuan. "Lumapit sa akin ang M