KABANATA 9

1978 Words

***EYRNA*** Pakiramdam ni Eyrna ay may nakakadenang bolang bakal na kanyang hinihila kanina pa. Kay bigat kasi ng mga paa niya, ni hindi niya mga maihakbang. Nagtungo at nasa harapan na kasi siya ng matayog na building ng ERA Artist Agency na pag-aari ni Miss Erika. Panay ang lunok niya habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa malaking billboard ni Lailey Salvador at sa automatic revolving door. Tama ba itong gagawin niya? Ipapagamit ba niya talaga ang boses niya kay Lailey? Umiling siya. Ayaw niya. Nga lang ay ano’ng magagawa niya kung buhay ng kapatid niya ang manganganib kung magmamatigas siya? Kay lalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. At minsan pa ay ‘bahala na’ ang sinabi niya sa sarili bago niya ipinilit ang mga paa na humakbang papasok sa magarang building. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD