bc

DIAMOND ( MONTILLANO SAGA II

book_age18+
1.4K
FOLLOW
4.7K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Tell me that you don't want me to do this."he said.

Habang nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha.Titig na titig ito sa kanyang mata na halos tumagos na sa kanyang kaluluwa.Ilang sandali siyang hindi nagsalita pero ng ibubuka na niya ang bibig kinuha nito ang pagkakataong iyon at mabilis na sinakop ng labi nito ang nakaawang niyang labi.

Paano si Cassandra makakatakas sa gulong kinasangkutan niya at pano rin siya makakatakas sa mga taong gustong pumatay sa kanya.She had a great life in New York as a super model and now she'd kidnapped by a super hot and handsome guy who has a dark eyes, na sing dilim ng gabi na pag tumitingin sa kanya ay tumagos sa kanyang kaluluwa.

Siguro makakatakas siya sa tama ng baril pero sa karisma ng gwapo niyang kidnapper malabong mangyari.

At paano kung malaman niya ang sing dilim ng gabing mga mata nito ay nagtataglay rin ng madilim nitong nakaraan at patuloy na dinadalaw ito ng bangungot ng kahapon,Matutulungan kaya niya itong makawala sa bangungot nito at alisin ang galit na bumabalot sa puso nito??sa pamamagitan ng kaniyang pagmamahal?

Do the two strangers find the real love in the middle of life and death??

chap-preview
Free preview
Chapter one
Kulay asul na karagatan na nangingislap ang tubig sa sikat ng araw at sariwang hanging tumatama sa kanyang mukha.Kasalukuyang binabagtas ng sinasakyan niyang bus ang daan pa tungong buhol. Sa Bohol ang napili niyang pangalawang puntahan matapos ang bakasyon niya ng isang linggo sa hometown ng kanyang mama. May isang buwan binigay sa kanya ang modeling company na pinagtatrabahuhan niya sa new York matapos ang matagumpay nilang catwalk.Nagamit na niya ang 2weeks so ngayon sa buhol ang next destination niya.Hindi siya nagdala ng sariling sasakyan dahil gusto niyang maging isang simpleng tao.Gusto niyang maranasang makasakay ng bus at makihalubilo sa mga simpleng tao.Hindi katulad sa new york na ang laging nakakasalamuha niya ang mga kilalang tao sa lipunan. Ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig ,kaya naman ngayon sa loob ng dalawang linggo gusto niyang maranasan ang isang simpleng pamumuhay.Kaya naman salip na mamahaling damit ang isinuot niya isang simpleng red t-shirts ang suot niya kapares ang isang kupasing skiny jeans.Sa paa naman niya ay isang class A na Color black new york sneakers alexa low cut shoes na php495 lang ang bili niya. Tumigil ang sinasakyan niyang bus at may sumakay na isang may edad nang lalaki na halatang may sinabi sa buhay dahil sa nakikita niyang hitsura nito na halatang halata sa mukha ang pagod. Nakasuot ito ng black leather jacket na alam niyang hindi biro ang halaga at maong pants na signature din.Inilinga nito ang mata at naghanap nang maari pa nitong maupuan tyempo namang wala pa siyang katabi,naglakad ito patungo sa kinauupuan niya. Nakatingin naman siya dito kaya habang papalapit sa kanya kaya pansin niya ang bulubulutong na pawis nito sa noo at mukha parang itong lumaban ng takbuhan kung saan dahil sa pagod na nakikita niya sa mukha nito.Nakita rin niyang nakapasok sa leather jacket nito ang isa nitong kamay na parang may tinatakpan ito duon.Pabagsak itong naupo sa tabi niya at pakinig din niya ang paghabol nito ng paghinga. "Okay lang ba ang lalaking ito? pakiramdam niya may iniinda itong sakit."di mapigilang turan niya sa isip Inilagay niya sa pagitan nilang dalawa ang kanyang maliit na shoulder bag para hindi magdikit ang katawan niya ang ang lalaki.Naiilang siya dito napansin din niyang panay ang pikit nito na animoy may nararamdamang kakaiba sa katawan.Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na kabahan. "Are you alright?" Di mapigilang tanung niya dito.Para kasing siya nahihirapan sa kinikilos nito. Iminulat nito ang mata at pilit na ngumiti sa kanya.Gamit ang isang kamay may dinukot ito sa bulsa nito.Nagulat siya ng hawakan nito ang kanyang kamay gamit ang kamay nitong kanina pa nakatakip sa tagiliran nito.At mas lalo siyang nasindak ng makitang puro dugo ang kamay nito.Nasa pinakang dulo sila nakaupo ng bus kaya hindi sila masayado napapansin ng mga ibang pasahero.Kaya naman halos lumabas na ang puso niya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Ipinatong nito sa kamay niya ang isang small black velvet box. "Keep it,Hanapin mo si Savan Vega at sa kanya mo ibigay ito alam kung mapapagkatiwalaan kita ija." "No!tanggi niya na hinila dito ang kanyang kamay pero mahigpit ang pagkakahawak nito kaya hindi siya makawala sa pagkakahawak nito.Alam niyang isang malaking gulo ang mapapasok niya pag tinanggap niya iyon.May tama ito ng baril ibig sabihin hindi ito mabuting tao dahil my gustong pumatay dito.At ang box na ibinibigay nito sa kanya alam niyang may mahalagang nakalaman duon. "Nakikiusap -ako -ija,hanapin mo si Savan at ibigay -mo ito sa- kanya."anito na parang nahihirapan nang huminga. Puro dugo narin ang kanyang kamay na hawak nito."please wag po kayong mamatay."tarantang sabi niya.Nabitiwan narin ng lalake ang kamay niyang hawak hawak nito.Bigla siyang tumayo at tumawag ng atensyon ng ibang pasahero sa bus.Kaya naman hindi na niya nakita nang ilagay ng lalaki ang velvel box sa shoulder bag niya bago ito lagutan ng hininga. "This man is bleeding.!"tarantang turan niya ng lumapit sa kanya ang conductor ng bus.Agad namang huminto ang bus at maging ang driver ay lumapit na sa kanila.Naki isyuso narin ang ibang pasahero ng bus. Muli niyang tiningnan ang lalaki na nuon ay pikit na ang mga mata,lalo naman siyang natakot sa isiping baka patay na ito.Hinipo ng driver ng bus ang vital sign nito sa leeg.At nakita niyang umiling ang driver. "Oh god is he dead?"nangangatog ang tuhod na tanung niya. "Patay na."sagot nito na tumayo dinukot nito ang cellphone sa bulsa nito at may tinawagan. "Hello Sir may patay po dito sa loob ng bus ko lalake,Opo sir."sabi nito na pinutol na ang linya,Kung hindi siya nagkakamali police ang kausap nito. "Sino kaya ang gumawa niyan sa kanya,hindi ko napansin kanina na may tama pala siya ng baril."anang mamang driver. Shock parin siya sa nangyari nanatili lamang siyang nakatingin sa walang buhay na lalaki.Magsasalita sana siya pero walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.Nangangatog narin ang kanyang tuhod at pakiramdam niya ilang sandali lang bibigay na iyon.At hindi nga siya nagkamali umikot ang kanyang paningin at tuluyan na siyang bumagsak And then everything went blank. ______ Ramdam parin niya ang pananakit ng kanyang ulo ng imulat niya ang kanyang mga mata.Iginala niya ang paningin nakita niya ang ilang mga pasyente na nakatingin din sa kanya.Nasa loob siya ng ospital public hospital.Agad siyang bumangon at bumaba ng hospital bed.Nakita rin niya ang dalawang police na kausap ng nurse.Nagawi ang tingin ng mga ito sa kanya kaya naglakad palapit sa kanya ang dalawang police. "Mabuti naman at gising kana miss-? Anang isang police na ibinitin ang salita. "Montillano."sabi niya sa last name niya na alam niyang hinihintay nitong sagot. "Miss Montillano may mga ilang bagay lang kaming gustong itanung sayo tungkol dun sa lalaking namatay sa bus kilala mo ba siya?". Agad naman siyang umiling,."No i don't know him ,sumakay siya ng bus and then he sit beside me."sagot niya. Tumango tango ang police bago muling nagsalita."Wala ba siyang nabanggit sayo kung sino ang bumaril sa kanya."Muling tanung nito. "Wala okay stop asking me because i don't know nothing,so please leave me alone.!inis na sabi niya.Nakita naman niya sa kama ang kanyang bagpack at shoulder bag kinuha niya iyon at isinukbit ang bagpack sa kanyang likuran. " Excuse me, I need to go and please don't come after me dahil wala nakong sagot sa mga tanong nyo."aniya na nilampasan na ang dalawang police lumapit siya sa nurse para itanung kung may bill ba siyang babayaran pero umiling ito kaya naman derederetso siyang lumabas ng hospital. Wala narin ang bus na sinasakyan niya kanina marahil iniwan na siya ng mga ito.Kung bakit naman kasi nahimatay pa siya.Bumalik sa isip niya ang duguang lalaki at naipikit niya ng mariin ang kanyang mata.Binura niya agad ito sa kanyang isipan.Pero agad ding sumagi sa kanyang isip ang velvet box na binibigay nito sa kanya.San na kaya iyon napunta marahil nalalag naiyon sa bus ng malagutan ito ng hininga. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nakokonsensya siya dahil hindi niya napagbigyan ang gustong mangyari ng lalake bago ito namatay pero alam naman niyang tama ang kanyang ginawa.Dahil kung tinanggap niya iyon tiyak pati buhay niya malalagay sa alanganin.Dahil pakiramdam niya ang box na iyon ang dahilan ng pagkamatay nito.Ipinilig niya ang ulo.Kilangan na niyang kalimutan ang nangyari tapos na iyon kilangan na niyang ituloy ang kanyang bakasyon. Inilinga niya ang mata sa paligid nasan na ba siya.Nakita niya ang malalaking letrang nakasulat sa pader ng hospital. "San Isidro general hospital."basa niya.Malayo pa siya sa buhol kung ganun.Tumingala siya sa kalangitan magdidilim na kilangang makahanap siya ng matutuluyang hotel bago gumabi.At kinabukasan itutuloy niya ang byahe patungong buhol. Pinara niya ang isang tricycle na dumaan na agad namang tumigil sa tapat niya."San po kayo ma'am."tanung ng binatilyong driver sa kanya. "Meron bang pinakamalapit na hotel dito.?tanung niya. "Opo ma'am."sagot naman nito. "Sige ihatid mo ako duon."sabi niya na agad sumakay ng tricycle.Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lamang siya nakasakay sa ganitong sasakayan na enjoy niya iyon.Kaya naman pansamantalang nawala sa isip niya ang nangyari sa bus at ang lalake. Tumigil ang tricycle sa tapat ng isang tatlong palapag na gusali.NA may nakasulat na SAN ISIDRO MINI HOTEL. Bumaba siya ng tricycle at dumukot sa kanyang bulsa ng pambayad sa driver."How much?"tanung niya. "30₱ po ma'am."magalang na sagot nito. "Here "aniya na Inabot dito ang 200₱ na buong papel na tinanggap naman nito. "Nako wala po ba kayung barya ma'am?"kumakamot sa ulong sabi nito. Ngumiti siya bago nagsalita."Keep the change."sabi niya bago ito tinalikuran. "Talaga po thank you ma'am."masayang turan nito.Nilingon na lamang niya ito at ngumiti bago siya tuluyang pumasok sa lobby. Inihagis niya ang kanyang bag sa ibabaw ng kama.Buti nalang may isang kwarto pang available kung wala hindi niya alam kung san siya magpapalipas ng gabi.Inihagis din niya ang kanyang shoulder bag sa kama bago siya tumuloy sa banyo. Hinubad niya ang kanyang damit at tumapat sa shower.Bumuhos sa kanya ang warm water galing sa shower.Kinuskus niya ng mabuti ang kaniyang katawan dahil pakiramdam niya nakadikit parin sa kanyang balat ang dugo ng lalakeng iyon. Nang matapos sa paliligo itinapis niya. Nang white towel ang kanyang katawan at lumabas na siya ng banyo.Kinuha niya ang kanyang ternong panjamas sa loob ng kaniyang bagpack at sinuot iyon.Humarap siya sa malaking salamin para magsuklay ng lumampas ang kaniyang tingin sa kama.Na kita sa salamin napakunot ang noo niya nang mapansin ang isang itim na bagay na medyo lumabas sa kanyang shoulder bag. Umalis siya sa salamin at lumapit sa kama kinuha niya ang kanyang shoulder bag at binuksan iyon.Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon sa loob ng bag. "Oh my god."bulalas niya ng mahawakan ang velvet box na kanina ay ibinibigay ng lalake sa kanya kanina.Bakit nasa bag niya ito.Oh jeezzz nilagay ng lalakeng iyon ang box na to sa bag niya nang humingi siya ng tulong. Umupo siya sa kama at marahang binuksan ang box.At lalo naman siyang nagimbal ng makita ang laman niyon.Mga maliit na Diamonds na nanginislap pa,mabilis niyang isinara ang box at binitawan niya sa ibabaw ng kama. "Oh dear lord anong gagawin ko."natatarantang sabi niya. Savan! Hanapin mo si Savan Vega at sa kaniya mo ibigay ito. Mga salita ng lalake na bigla niyang narinig sa isip niya.Bigla naman siyang kinilabutan sinusundan ba siya ng kaluluwa ng lalakeng iyon.Pero hindi iyon ang salitang binitiwan nito sa kanya ng pilit nitong binibigay sa kanya ang box. "Savan Vega."ulet niya sa pangalan ng lalakeng pinahahanap ng namatay na lalake sa bus."Sang lupalop ng pilipinas niya hahanapin ang Savan na ito oh Jesus Christ anong gagawin ko.?naguguluhang sabi niya na naisabunot ang mga kamay sa kanyang basang buhok. Wag ka na munang magisip magpahinga ka muna at bukas ka nalang mag isip ng dapat mung gawin."anang munting tinig sa isip niya. "Yeah right,kilangan ko nang magpahinga."aniya na pilit kinalma ang sarili.Kinuha niya ang velvet box hindi niya alam kung san niya iyon pwedeng itago.Inilinga niya ang paningin sa buong kwarto at nakita niya ang isang di kalakihang jar na may fake na halaman.Lumapit siya doon.Tinanggal niya ang fake na halaman na nakalagay doon at inilagay niya sa loob ang velvet box pagkatapos muli niyang inilagay ang fake na halaman na may fake ding ugat.Natakpan ng ugat nito ang velvet box kaya impossible na may makakita niyon.Nang masiguro na niyang maayos ang pagkakalagay niyon.Bumalik na siya sa kama at nahiga. Kahit basa pa ang kanyang buhok ipinikit na niya ang mata at natulog.Pero bigla rin siyang napamulat ng may kumaluskos sa labas ng bintana sa ulunan niya.Kinakabang bumangon siya at sinilip iyon. "Meoww meoww." Napabuga siya sa hangin ng makita nag isang pusang biglang sumulpot. "Grabe ka Cassandra tinatakot mo ang sarili mo."umiiling na bulong niya.Muli siyang humiga at ipinikit ang mata.Ilang sandali pa'y tuluyan na siyang nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

Dangerous Spy

read
299.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook