Abala ako sa pagpupunas ng mesa na katatapos lang gamitin ng isang grupo ng mga estudyante nang maramdaman ko ang malamig, malagkit at basang bagay na bumuhos sa aking ulo. Tuloy-tuloy iyon na umagas sa aking noo at pisngi. “Oh my gosh!” Narinig ko ang sigawan ng mga natitirang estudyante rito sa loob ng canteen. Ako naman ay hindi agad nakakilos dahil sa gulat. Ikaw ba naman na nananahimik lang at ginagawa ang trabaho, tapos biglang may ganoong mangyayari? Sino ba ang hindi mabibigla roon? “Serves you right, b-tch!” ani ng tinig ng isang babae sa likod ko. Nakuha pang ibato sa akin ang cup na may laman ng likidong ibinuhos niya. Mariing ikinuyom ko ang kamay na may hawak na basahan. Nakailang hugot ako ng malalim na hininga para pigilin ang sarili na barilin an

