“Kung hindi ikaw ang may gawa ng sunog, ano naman ang ginagawa mo sa clinic? At sino rin ang kasama mo sa footage? Enlighten us. Tulungan mo kaming masagot ang mga tanong para hindi na tayo magkagulo.” Namumungay ang mga matang tiningnan ako ni Andrew. Ang tinig ay nagmamakaawa rin. He is pleading because of the mess her sisters have done. Mga kapatid niyang praning na wala yatang magawa sa buhay kaya maninira na lang ng kapwa. I looked at him with no emotion. Diretso ang aking tingin sa kaniyang mga mata na gulong-gulo ngayon. “Kung ikaw ang tatanungin ko? Kung sakaling mapunta ka sa clinic, ano ang unang problemang kinokonsulta mo ro’n?” That was just a simple question. Kaya niyang sagutin. Kaya nilang sagutin. Napakunot ang noo niya na waring nag-iisip. “You

