“Oh, dear Lord. Please, let me sleep,” mahinang usal ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto. Kanina pa ako bumubulong na sana ay dalawin na ako ng antok. Ngunit anong oras na ay mulat na mulat pa rin ako. Kapag ipipikit ko naman ang mga mata ko ay nakikinita ko lang ang nangyari kanina. Wala sa sariling hinawakan ko ang labi at para akong kiti-kiting naggagalaw sa kama. Umupo ako sa kama at parang baliw na ginulo ang buhok. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa akin. I could still feel his intense stares. Mga tingin niya na nagpapahina sa akin. Kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay gusto ko na lang himatayin sa harap niya dahil sa kahihiyan. I really gave in. I just lost my first kiss. My freaking first kiss! Mababaliw na yata ako.

