“Salamat sa lahat! Sa pagtatanggal ng karapatan namin sa lugar na ito.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Andrew. Umasim ang mukha ko habang tinitingnan silang tatlo. I can’t believe that they really can say that. Anong tinanggal? Paano sila tatanggalan ng karapatan? Sa pagkakaalam ko ay wala namang nangyaring pag-uusap na ganoon, hindi ba? The audacity of these people? Bakit parang ang lumalabas pa ay sila ang biktima? Samantalang sila naman ang nagsimula ng gulong ito. “Let’s leave. ‘Wag na tayong mag-aksaya pa ng oras dito,” ani pa Andrea na nakiki-ayon sa sinabi ng mga kapatid. May pagmamadali sa kilos niya habang nagmamartsa patungo sa pintong labasan. Nangunguna siya sa lahat na animo ay mayroong tinatakasan. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang ag

