“Boss naman, bakit bigla kang umalis?” tanong ni Sakuragi sa akin. So basically, we won. They were still rejoicing our victory when I left. Nagmamadali ako dahil mayroon pa akong duty sa canteen. Maaga akong umalis kaninang tanghali kaya dapat bumawi ako ngayong hapon. Naabutan lang nila ako rito sa classroom na nag-aayos ng gamit. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit noong dumating sila. “Oo nga, boss. Hindi mo tuloy nalaman kung ano ang prize na ibinigay ni Mr. Sarte,” dagdag na saad naman ni Waldo. Mabilis kong sinarhan ang zipper ng bag nang matapos kong ilagay ro’n ang mga gamit. Nagkaroon pa kami ng extra souvenir dahil ang mga ginamit na protective gears kanina sa laro ay ibinigay na sa amin. Nailagay ko na rin iyon sa locker. Hindi naman magkakasya sa bag k

