“Ang programang ito ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lingguwahe, karanasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata,” ani Ashton. Seryoso pa ang pagkakasabi niya noon na parang ginagaya ang nagsasalita sa telebisyon sa tuwing bago magsimula ang isang programa. “Bata pa po kami. Hindi po pwede sa amin ‘yan!” Muling dinugtungan iyon ni Alexander. “I’m sorry, mahal…” masuyong bulong sa akin ni Lorcan. Kinintalan din muna niya ako ng isang mabilis na halik sa labi at noo bago marahas na bumangon. Nakita ko kung paano niya pahaklit na kinuha ang throw pillow at walang habas na binato iyon sa kinaroroonan ng mga kapatid. He looks so pissed. “F-ck you, Ashton Gabriel. D-mn you, Alexa

