Chapter 71 LUCAS POV Mag-isa si Lucas sa loob ng kanyang Study room, hindi niya namalayan na napaka tagal niya nang namamalagi doon kahit wala siyang ginagawang trabaho. Malalim ang kanyang iniisip at naka upo sa swivel chair, ang isa niya namang kamay naka hawak lamang sa steel ligher, paulit-ulit niyang pina-patunog iyon sa pamamagitan lamang nang pag bukas-sara no'n na makaka gawa iyon ng kakaibang tunog. Iyon ang kanyang paraan sa tuwing nalilito at gusto niyang makapag isip-isip. Pinapatunog niya iyon kasabay na lamang ang malamlam niyang mata na kahit na rin siya naguguluhan. Malayang pinikit ni Lucas ang kanyang mata, at unang sumagi sa kanyang isipan ang inosente at magandang mukha ng dalaga kagabi na maabutan niya ito sa sala. At kasunod tagpong basta-basta niya na lang ito na