Chapter 14 "Ayos lang," sagot ni Victor. Kinumpirma kasi na kailangan ni Victor magpatattoo. Half sa katawan ni Victor kailangan lagyan ng tattoo. Hindi naman permanent pero mas convenient kung hindi iyon aalisin ni Victor habang ginagawa ang drama. Kailangan din ni Victor magpakulay ng buhok at imaintain ang diet nito. Napahawak si Rin Quen sa baba niya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ni Victor na kasalukuyang half naked at kinukuha ang measurement. Gumusot ang mukha ni Everen habang nakatingin kay Quen na nakatitig sa katawan ni Victor. "Okay naman na ang katawan ni Victor perfect ang build niya sa character. Mag-apply lang kayo ng kaunting make up sa katawan ni Victor para maging tan ng kaunti," ani ni Rin Quen. Agad na pabirong tinakpan ni Victor ang dalawang dibdib n

