Chapter 39 Lumabas ang test result. Ang dahilan bakit nagpassed out si Phinea ay dahil sa pagod at stressed. Since nagising siya sa timeline na iyon palagi siya nagkakaroon ng masamang panaginip at pagkatapos 'non hindi na siya nakakatulog. Ginagawa niya busy ang sarili sa pag aasikaso ng book niya at pagserved kay Victor tuwing gabi. "Wala... Wala ka ba itatanong sa akin?" bulong ni Phinea. Pagkalabas ng doctor, nanatili nakaupo lang si Victor sa gilid ng hospital bed at naghahalo ng soup. "Hindi ka nakakatulog ng gabi. It is natural," ani ni Victor tapos nilapit kutsara sa bibig ni Phinea. Bahagya binuka ng babae ang labi at sinubo iyon. Matapos kumain pinahiga na ni Victor si Phinea at nilagyan ng kumot. "Pwede na ba ako lumabas ng hospital? Pagod lang ako, pwede naman yata s