Chapter 26 Lasing ang driver kaya dinala sila sa police station. Mamatay matay naman sa pag aalala ang madam ng mga Difabio matapos malaman ang nangyari. "Why did you jump! Paano kung may nangyari sa iyo na masama?" pang aaway ni Catherine sa kapatid. Nasa iisa silang kwarto ngayon at umalis sila sandali parents nila. "Bakit ka nagtatanong? Hindi ba obvious na gusto kita iligtas? Gusto mo manood na lang ako?" pikon na sambit ni Victor. Hinimas himas ng lalaki ang braso. "Huwag mo na ulit gagawin iyon," ani ni Catherine. Napatigil si Victor at nilingon ang kapatid. Bakas sa mukha ng babae ang pagkdisgusto. "Hindi matutuwa sina mom kapag may nangyari sa iyo," ani ni Catherine. Sumalubong ang kilay ni Victor at sinabihan si Catherine na engot. "At sa tingin mo magpaparty sina mom k