Kabanata 3

1848 Words
Today is Friday. Half day lang ang pasok ko. And now, I'm at the supermarket. Kailangan ko magstock ng groceries. Especially instant foods. I'm not that good in cooking. "What should I bring?" I asked to myself while thinking, what brand of coffee should I get? Naalala ko, invited nga pala ako sa dinner ng pamilya ni Brooklyn bukas ng gabi. I'm actually looking forward to meeting her parents. Ito ang unang beses na makikita ko ang mga ito. And I have this feeling that they're an amazing people. Halata naman iyon sa pagpapalaki nila sa anak nilang si Brooklyn. Though, nasa dibdib ko pa rin ang pag-aalala sa unang paghaharap namin ni Mr. Aragon. "Hey, buddy." Sulpot ng boses mula sa aking likuran. "Looks like you're having a hard time to choose what's best." Isang matangkad na lalaki ang nalingunan ko. He's in his fifty's. And he looks familiar. Pakiramdam ko'y nagkita na kami dati. Pero hindi ko siya maalala. Tiningnan ko siya nang mataman. Kumunot ang aking noo. I know I've seen him before. "Here," he said handing me the black coffee. "Mas matapang, mas masarap." Nakangiti niyang dagdag bago tumingin nang diretso sa aking mga mata. Gulat. "Oh...what's your name?" Muling kumunot ang aking noo. May napansin akong kakaiba sa kaniyang mga mata. Gaya ko'y parang may binabalikan siya sa isipan. Siguro nga ay nagkita na kami dati. Was it in Australia? O baka sa Palawan noong unang beses akong umuwi rito sa Pilipinas? "Kydel." I answered. "Kydel..." mahinang sabi ng lalaki bago tumango-tango. "I'm Lawrence." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad. At sa paglapat pa lang ng mga kamay nami'y biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. I don't know why, but it feels like I'm missing something. Or someone. "Law, honey! Come on! Tapos na akong magbayad!" Sulpot ng boses mula sa likuran ni Mr. Lawrence. Isang babaeng abala sa paghahalungkat ng kung ano sa bag nito. Hindi ito tumingala para tingnan ang kinaroroonan namin ni Mr. Lawrence. Ganoon pa man, pansin ko pa rin na may hitsura ito. "I have to go." Mabilis na sabi ni Mr. Lawrence bago ngumiti. "You're handsome, buddy. Hindi sa pagmamayabang, pero magkamukha tayo. Ganiyan ang hitsura ko noong kabataan ko." Hindi naman mayabang ang dating sa akin ng sinabi ni Mr. Lawrence. May ilan ring mas matanda pa rito ang nagsabi na sa akin ng mga bagay na iyon. Pero, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang gusto ko yatang makausap pa nang matagal si Mr. Lawrence? Maging ang asawa nito'y gusto kong makita. "If we meet again, ipapakita ko sa'yo ang mga picture ko." Sabi pa nito bago tuluyang tumalikod para puntahan ang asawa. Bago sila makalayo ay naulinigan ko pa ang mga sinabi ni Mr. Lawrence. "He looks like me. What do you think, Shan? I heard Dwayne's already here in the Philippines." Bigla akong na-curious. Tahimik na sinundan ko ang dalawang taong abala sa paglalakad. I heard my dad's name. Baka kilala nila si Daddy. "Huwag mo akong pinapaasa, Law. Marahil ay nakauwi na nga si Dwayne. Pero may possibility bang kasama niya ang anak natin?" Mababa ang boses na sabi ng asawa ni Mr. Lawrence. "Let's confront him." Mariing sabi ni Mr. Lawrence. "Maybe he's with him. Wala namang mawawala kung susubukan ulit nating maghanap. Ngayon na may magandang pagkakataon, palalagpasin ba natin ito, Shan?" Kumunot pang lalo ang noo ko. Hindi ko na nagawa pang pakinggan ang pinag-uusapan ng mag-asawa. Nakalabas na kasi ang mga ito ng supermarket. Pagkatapos kong magbayad ay kaagad na akong umuwi sa condo. Inilagay ko ang mga pinamili sa pantry. Pagkatapos ay naghanda naman ako para sa dinner. Naglagay lang ako ng mainit na tubig sa cup noodles at ininit sa microwave ang natirang roasted chicken na mula sa restaurant na nasa harap nitong condominium. Maayos na ang lahat nang biglang tumunog ang doorbell. Hindi na ako nag-abalang tingnan sa screen kung sino ang nasa labas. May hinuha na akong si Brooklyn iyon. "Hi!" May malaking ngiti sa mga labing bati sa akin ni Brooklyn. Kasama nito si Yuki na ngayon ay abala sa kung anong tinitingnan sa hawak na cellphone. "Good evening, Brooklyn, Yuki. Come in." Sabi ko bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Hindi ko alam kung bakit sila narito. Marahil ay mangungulit lang. Pero may pakiramdam akong may hihilinging pabor ang isa sa kanilang dalawa. "You're eating?" Tanong ni Brooklyn habang nakatingin sa cup noodles na nasa table. "Kakain pa lang." Sagot ko. "Bakit nga pala narito kayo? May problema ba?" Napansin ko ang bahagyang pagtigil ni Yuki sa pagtipa sa cellphone. Si Brooklyn naman ay pinilit ang sariling ngumiti. I knew it. They're here for a favor. Tumaas ang kilay ko. Dahilan para lalong mapabungisngis si Brooklyn. "Actually, makikiusap sana ako." "Brook, kaya ko naman. Nagtext na ako kay Yona." Bulong ni Yuki. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. "Ano, Kuya Ky, pupunta kasi si Yuki sa bahay ng Mommy niya. Eh, kailangan niyang umuwi na may kasamang lalaki. Kasi kung wala, mapipilitang magpakasal si Yuki sa pangit na tsinoy na iyon." Kumunot ang noo ko. Alam kong dapat kong tanggihan ang hinihiling na pabor ni Brooklyn. Iyon nga lang, hindi ko kayang tumanggi. May kakaiba kasi sa paraan ng ngiti ni Brooklyn. Para bang mayroon akong kapatid na humihiling na bilhan ko ng ice cream. Damn it. "Arrange marriage?" Uso pa pala ang bagay na iyon? Sa mga movie ko lang iyon napapanood. Hanggang ngayon pala'y ginagawa pa rin. "Ganoon nga." Sagot ni Brooklyn. "Eh, dapat kasi, si Eliza iyong ipapakasal sa pangit na iyon. Kaya lang, itong si Eliza may nakilala na raw na lalaking mamahalin at pakakasalan. Someone she met at the airport." Napapairap na dagdag ni Brooklyn. "Sinong Eliza?" "Yona Eliza, kapatid ni Yuki." Brooklyn paused for a second. "She's a senior high student. Maarte—teka, bakit ba ako ang nagsasalita rito? Ikaw kaya ang kumausap kay Kuya Kydel, Yuki." "No, it's okay. Naiintindihan ko na." Huminga ako ng malalim. Saglit na pinagmasdan ko ang napapakagat sa labing si Yuki. "Kailan ba ang alis?" Malakas na tili ang pinakawalan ni Brooklyn. Hinampas pa nito sa braso si Yuki na siyang ikinasama ng tingin dito ng huli. "God! Pumapayag ka? Hulog ka talaga ng langit, Kuya! Sana naging Kuya na lang talaga kita. Gwapo na mabait pa!" "Huwag mo akong binubola, Brook." I said while smiling like an idiot. May parte kasi sa aking gusto rin ang sinabi ni Brooklyn. I want her to be my sister. Hindi ko kasi alam ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid. "No, I'm not. Anyway, ngayon talaga ang alis ni Yuki. Dapat ay si Kenoz ang kasama niya. Pero ang gagong iyon, piniling magpunta sa bar. Isusumbong ko talaga siya kay Tito Indigo." "Ganoon ba? Magtatagal ba roon? Paano ang family dinner niyo? Hindi ako makakadalo kung sasamahan ko si Yuki." "Ah, no, it's fine. Nasabi ko na kay Dad na may date kayo ni Yuki. Next weekend na lang daw kung okay sa'yo." Hindi ko na alam kung anong sasabihin kay Brooklyn. Masyado siyang madaldal. Pero nag-e-enjoy naman ako sa kaniyang kadaldalan. "So, buong weekend ba tayo sa inyo, Yuki?" Marahil ay hindi napaghandaan ni Yuki ang tanong ko. Sa buong oras kasi na narito sila sa bahay, ay si Brooklyn lang ang aking kinakausap. Marahang tumango si Yuki. "Sunday ng gabi tayo uuwi." "Okay." I said. Mabilis akong naglakad palapit sa pinto ng aking kuwarto. Maghahanda lang ako ng gamit. Pagkatapos ay aalis na tayo." "Huh? Hey, you haven't eaten your dinner!" Malakas na sabi ni Yuki. "Ayos lang. We'll eat outside." — Mahabang katahimikan ang namayani habang nasa biyahe kami ni Yuki. Tahimik lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana. Samantalang ako'y piniling ituon ang pansin sa pagmamaneho. Twenty minutes na ang lumipas nang umalis kami sa condo. Nakapagdinner na kami sa isang restaurant. At ngayon nga'y nagbibiyahe na papuntang Laguna. Doon nakatira ngayon ang mga magulang ni Yuki. "Hey, ahm..." Saglit pa akong nag-alangan kung papakiusapan ko si Yuki na magkuwento o hayaan na lang siyang manatiling tahimik. "Do you want me to take over?" Tanong niya. Mabilis akong umiling bilang sagot. "Then, do you need anything?" Saglit na inihinto ko ang sasakyan. Ramdam ko ang titig sa akin ni Yuki, pero hindi ko iyon pinansin. Umayos ako ng pagkakaupo. Ilang sandali lamang ay hinarap ko siya. "I want to formally introduce myself." Nakangiti kong sabi. "I'm Kydel Shaun Castro. I am from Australia. Twenty-three years old. A transferee student." Inilahad ko ang aking kamay. Kaagad niya naman iyong tinanggap. Yuki smiled. Isang pagkakataon na hindi ko inaasahan. "I'm Yuki Annalise Sebastian. Twenty years old." "May lahi ba kayong Japanese?" Tanong ko. Napansin ko kasing iba ang first name nila ng kapatid niya. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Yuki. "Mahilig kasi si Mommy sa anime. Doon niya nakuha ang mga pangalan namin ni Yona. Ikaw ba, may lahi ka bang Australian?" "Wala. Parehong Pilipino ang mga magulang ko. I grew up in Australia." "Talaga? Eh, nasaan ang mga magulang mo?" Hindi ko napaghandaan ang pagiging matanong ni Yuki. "Lumaki akong kasama si Dad. I don't know where's my Mom. Basta ang alam ko, buhay siya." Marahang tumango-tango si Yuki. "What's here name?" "Shania." Biglang natahimik si Yuki. Nang lingunin ko siya'y bigla niyang iniwas ang kaniyang tingin. Hindi ko tuloy napigilan ang pagkunot ng aking noo nang makita ko ang tila pagkahulog ni Yuki sa malalim na pag-iisip. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagmamaneho. Lumipas ang limang minutong tahimik na naman kami. Akma akong magtatanong kay Yuki kung anong gagawin pagdating sa kanila nang biglang tumunog ang aking cellphone. It was Dad. Kaagad na isinuot ko ang aking airpods. "Hey, Dad. What's—." "Where are you? What are you doing?" "I'm driving. Why?" Tanong ko habang napapasulyap kay Yuki na nakatanaw pa rin sa labas ng bintana. "Can you come over?" Sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Huminga ako ng malalim. "I can't. I'm on my way to Laguna." "Anong gagawin mo roon? Sinong kasama mo? May kakilala ka ba roon?" Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. I hate it when they asks so many questions. Naiirita ako. Para akong batang pinagbabawalang maglaro sa labas. "I can't tell you right now." "Dinala namin ang lola mo sa hospital, Kydel. Baka pwedeng dumaan ka muna rito bago ka dumiretso sa Laguna." Hindi ko napigilan ang muling pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. "Okay, fine. I'll be there." Nang tanggalin ko ang suot na airpods ay noon ko lang napansin na nakatingin na pala sa akin si Yuki. Tila naghihintay ng explanation. "Ahm, it was my Dad. Pwede ba tayong sumaglit sa hospital?" "Sure. Walang problema sa akin." "Thanks," tangi kong nasabi bago nag-u-turn. Bigla akong kinabahan. Hindi dahil nasa hospital si Lola. Alam kong dinala lamang ito sa hospital dahil sa high blood. Ang kabang nararamdaman ko'y iba sa pag-aalala. Ewan, baka kung anu-ano lang ang naiisip ko. Pero ganoon pa man, sana okay lang si Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD