Kabanata 2

1808 Words
A deep sighed came out of my mouth when I entered the huge gate of my school. Lahat ng tingin ay nabaling sa akin. Well, I understand why. I'm already twenty-three at halata siguro sa hitsura ko na masyado akong matanda para maging isang second year college. I used to study at home in Australia. May pagkakataon din na tumigil ako dahil sa pagkabagot. I worked at a café kaya hindi ako nakakaattend ng mga online class ko. But this time, iba na ang magiging buhay-estudyante ko. Kahit na hilingin ko pa kay Dad na payagan akong magtrabaho na lamang kaysa mag-aral ay hindi niya ako pagbibigyan. He wants me to finish my studies. "Hi!" Malakas na boses ang nagpalingon sa akin. Isang pamilyar na mukha ang nalingunan ko. "Brooklyn..." I smiled. "Wow, hindi ko inaasahan na dito ka papasok!" Malakas niyang sabi na ikinalingon sa amin ng maraming estudyante. Hindi ko napaghandaan ang mabilis na pagyakap niya sa aking braso. Lalo tuloy napunta sa aming dalawa ang atensiyon ng lahat. "Anong year mo na?" I couldn't helped but smiled when she rested her head on my shoulder. It's not because I am feeling something special—oh well, siguro ganoon nga. May kakaiba kay Brooklyn. I like her. Hindi sa paraang ako ay lalaki at siya ay babae. Kundi sa ibang bagay. Yun bang parang may isang bagay na nag-uugnay sa amin. I don't know what it is, but I'm liking it anyway. "Second year. How about you?" Tanong ko bago ginulo ang kaniyang buhok. "Second year din!" Malakas na sagot sa akin ni Brooklyn bago itinakip ang mga kamay sa bibig. She also bumped her elbow on my tummy. Napangiti na lamang ako. Hyper talaga ang isang ito. Akala mo'y hindi nineteen years old. But anyway, she's cute doing stuff like that. She's like a sister to me. Well, ano nga bang feeling ng may kapatid? "Brook!" Sigaw ng babaeng patakbong lumalapit. She's wearing a black denim skirt na tinernuhan nito ng white top. A pair of white and black nike shoes. Jet black long hair. Long curly eyelashes. Ang maliit nitong ilong na matangos—lalong bumagay sa maliit nitong mukha. Her thin lips with a nude color on it. She's pretty. "Yuki!" Tawag pabalik ni Brooklyn sa babae. Are they friends? "Yuki, meet Kuya Ky. He lives next to my unit. Kuya Ky, this is Yuki, my best friend." I offered my hand to Yuki. Inabot naman nito iyon at tahimik na nakipagkamay sa akin. Pagkatapos ay niyaya na nito si Brooklyn na pumasok sa classroom. Niyaya rin ako ni Brooklyn na sumabay na sa kanila. Kaya lamang ay kailangan ko munang dumaan sa Principal's office. Kukunin ko ang class schedules ko. "Pagdating mo sa dulo may hallway sa kaliwa. Diretsuhin mo lang iyon at makikita mo na ang office ni Sir Rodriguez." Sabi sa akin ni Brooklyn bago tuluyang umalis kasama si Yuki. And again, I sighed. Ipinagpatuloy ko na ang naudlot na pagpunta sa Principal's office. - Everything went well for the whole day I was in class. My classmates were very friendly. Very easy to be with. Ngayon nga'y kasama ko sa paglalakad si Lock. Sounds weird, right? But that's his name. Out of almost fifty students in our class, he's the only person I feel very comfortable with. Isa pa sigurong rason ay ang pagkahilig namin sa online games. Damn! He's top one in class and also a top player in this country. Natutulog pa ba siya? Paano niyang napagsasabay ang paglalaro at ang pagiging top sa klase? "But seriously, how'd you do that?" Namamangha kong tanong kay Lock. We're sitting inside the coffee shop in front of the school. We decided to get a coffee first, before going back home and play some online games. Hanggang ngayon ay namamangha ako. He's also healthy. He doesn't have an eye bags na maaari niyang makuha sa paglalaro tuwing gabi. Lock sipped on his coffee. "I also don't know. I studied for five hours after dinner. Pagkatapos ng five hours, naglalaro na ako until one in the morning." "Wala kang night life?" "Pumupunta ako sa mga bar kapag naiisipan ko lang. Pero bahay at school lang talaga ako." I nodded. "I see." "Siyanga pala, tatay mo talaga si Mr. Castro?" Si Lock naman ngayon ang kababakasan ng pagkamangha sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit. Mukhang kilala niya si Dad. "Dwayne Castro, yes." "Damn!" Mariing sabi ni Lock bago ngumisi. "He attended the same school with my mom. Sabi ni Mom, magaling na programmer si Mr. Castro. Your Dad was the person behind the success of Glory Days." Glory Days? Oh I remember an online mobile game I played when I was in highschool. Isang action game kung saan malayang makakapili ang isang manlalaro ng character na gusto nito. Hanggang ngayon ay may ilan pa ring naglalaro niyon. Hindi nga lang kasing dami ng naglalaro ng mga sikat ngayong computer games. Pagkatapos naming magkape ni Lock ay kaagad na kaming dumiretso sa condo. I invited him to play with me. Pumayag naman siya. Saglit lang naman kaming maglalaro. Tama na ang one hour. "Mag-isa ka lang ba rito sa—wait, familiar sa akin ang building na ito." Sabi ni Lock. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Ilang sandali lang ay pagak siyang tumawa. "Brooklyn lives here." "Yeah, we're neighbors." "Oh, cool." "Why? Close ba kayo?" I asked. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong malaman kung close sila ni Brooklyn o hindi. Ewan ko ba sa sarili ko. Brooklyn and I just met for a couple of days. But I feel like I need to protect her. At iyon ang nararamdaman ko ngayon. "Dude, are you serious? Sinong makakalapit sa babaeng iyon, eh mukhang allergic iyon sa lalaki." Natatawang sabi ni Lock. "Isa pa, takot ko lang sa Daddy ni Brooklyn. Nakakatakot kaya si Mr. Aragon. Naalala ko pa noong una kong makita ang Daddy niya. He went to school. Galit na galit dahil may nambastos kay Brooklyn. Dang! I was so scared, pero na-amaze ako sa ginawa ng Dad niya." "What did he do?" Alright, kung babae kami ni Lock, at may makakita o makarinig sa amin, natitiyak kong dededmahin lamang kami ng mga iyon. But we're men for Pete's sake! Nagmumukha kaming pakialamero. Sandali kaming sumakay sa elevator. Habang pinipindot ko ang floor number ay nagsasalita naman si Lock. "He smashed the Principal's table. Pamangkin pala kasi ng Principal iyong nambastos. Since kaibigan ni Mr. Aragon ang may-ari ng school, pinatanggal si Mr. Principal." "Paano mo naman nalaman ang tungkol doon?" "I was in the Principal's office." Sagot ni Lock. Akma pa akong magtatanong nang bumukas ang elevator. Pumasok ang isang babaeng may dalang aso. A siberian husky. Kumunot ang noo ko. Familiar sa akin ang asong iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita. But anyway, lumabas na rin kami ni Lock nang tumaas pa ng isang beses ang elevator. - "Yuki!" Matinis na sigaw ang nagpapikit sa akin. Natigil ako sa pagluluto. Akala ko ba lalabas siya at ipapasyal si Yeoja? "I can't believe it! He's here! I saw him at the elevator!" Napairap na lamang ako sa sinabi ng kapatid kong si Yona. I'm two years older than her, pero hindi niya ako tinatawag na ate. Walang galang na kapatid. "Who?" "The guy from the airport! Iyong dinambahan ni Yeoja!" Muli akong napapikit. Kulang na lang ay maihi ito sa sobrang kilig. Hindi ko siya maintindihan. Wala naman kasi ako noong sinundo siya ni Rani sa airport. Kaya hindi ko alam ang pinagsasasabi ni Yona. "Guni-guni mo lang yun!" Ipinagpatuloy ko ang naudlot na pagluluto ng hapunan. It's already five in the afternoon. Kailangan kong matapos ang pagluluto bago mag-ala sais. Dadalhan ko si Brook sa taas. Paborito nito ang adobong manok. "Hindi! Nakita ko talaga siya. Kasama pa nga iyong kaklase mong madaldal." "Kaklaseng madaldal? Lalaki ba?" Salubong ang kilay na tanong ko. Isa lang naman ang madaldal kong kaklase, pero baka kasi may iba pang hindi ko alam na katulad nito. "Oo! Lock yata name no'n." Muli akong nahinto sa ginagawa. Naalala ko kasing kasama ni Lock kanina si Kydel. Hinarap ko si Yona. "Si Kydel ba ang tinutukoy mo?" Si Kydel lang naman ang posibleng tinutukoy ni Yona. Ah, oo nga pala, magkapitbahay si Kydel at Brooklyn. Sigurado akong si Kydel Shaun Castro ang lalaking kinakikiligan ni Yona. "Ang gwapo ng pangalan!" Sabi ni Yona bago nahiga sa sofa. Napangiwi na lamang ako nang makitang tila kumikinang pa ang mga mata ni Yona. Napapailing na tinapos ko na lang ang ginagawa. Maya-maya lamang ay natapos na ako sa pagluluto. Kaagad akong naglagay ng adobong manok sa isang tupperware. Pagkatapos ay saglit akong nagpaalam kay Yona para dalhin ang ulam kay Brooklyn. Ilang sandali lamang ay nakarating kaagad ako sa unit ni Brook. Magkasunod lang naman kasi ang floor na kinaroroonan ng mga unit namin. "That was amazing! Next time ay ako naman ang magyayaya sayo sa bahay." Boses iyon ni Lock. Papalabas ito sa pinto ng unit na kaharap ng kay Brooklyn. "Sige, Ky, mauuna na ako. Laro ulit tayo next time." Tipid na ngiti ang ibinigay ko kay Lock nang bahagya itong kumaway pagkakita sa akin. Hindi ko na ito sinundan pa ng tingin habang papasok ito ng elevator. Hindi naman kasi kami close. Kaya hindi naman siguro masamang magpatuloy na ako sa pagpasok sa unit ni Brook na siyang tunay kong sadya rito sa top floor. "Hi." Muntik ko nang mabitiwan ang dala-dala nang marinig ko ang boses ni Kydel. Mabuti na lang at pareho naming nasalo ang tupperware. "Uh, h-hi," bati ko pabalik. "Yuki, right?" May tipid na ngiting sabi ni Kydel. Marahan akong tumango bilang sagot. Isang nakakailang na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Wala akong maisip na sasabihin. Marahil ay ganoon din si Kydel. Nakatitig lang naman kasi siya sa akin. Nakakunot ang noo, wari'y may isang bagay na binabalikan sa isipan. Pero saglit lamang iyon. Kaagad ring napalis nang biglang bumukas ang pinto sa tapat naming dalawa. Salubong ang mga kilay ni Brooklyn habang nakatingin sa amin ni Kydel. Isang ngisi ang kumawala sa mga labi ni Brook. "What is the meaning of this? Holding hands in front of my door?" Nanlaki ang mga mata ko. Noon ko lang napansin na nakahawak pa rin si Kydel sa tupperware. Tila napapasong lumayo kami sa isa't isa. I heard him cleared his throat. Kaya naman napatingin kami ni Brook sa kaniya. "Nice meeting you again, Yuki." Seryoso niyang sabi bago tumalikod. Nagkatitigan na lamang kami ni Brooklyn. An awkward laugh came out of my mouth. Nauna na akong pumasok sa unit ni Brook. Ewan ko ba, bigla akong nahiya sa bagay na napansin ni Brooklyn. Mukhang uulanin ako ng tanong na paniguradong hindi ko masasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD