Kabanata 1

1741 Words
“Kydel, apo!” malakas na tawag sa akin ni lola Aida. Hindi ko napigilan ang pagtiim ng mga bagang. Mahigpit niya kasi akong niyakap sa harap ng maraming tao. We’re still at the airport kaya hindi maiwasang sa amin matuon ang atensiyon ng mga taong kasabay namin sa paglabas. “Hey, lola, uncle…” pagbati ko kay lola at sa kapatid ni dad na si tito Ryte. “Ang laki mo na Ky!” nakangising sabi nito bago tumingin kay dad nang makahulugan. Hindi ko sila maintindihan. Maybe they have secrets or some adult stuffs in mind. Yeah, today is July second, last month pa nag-umpisa ang klase. Obviously, absent ako last month, kahapon at ngayon. Well sabi naman ni dad, excuse na ako. I’m a transferee at galing pa akong Australia. “I’ll go first in the parking lot.” Walang emosyong paalam ko. Ayaw kong makasama sila nang matagal sa harap ng maraming tao. Hindi dahil sa ikinakahiya ko sila. I’m just not used to have a lot of attentions on me. I can’t help but to feel annoyed. I don’t know, I’m just like that. Nang tuluyang makalayo sa kanila’y bigla akong napapikit. I don’t know what car they brought. Hindi rin ako pamilyar sa paligid ko. This is my second time here in the Philippines. Una ay noong birthday ni lola. She asked us to celebrate her birthday in Palawan. I was only ten years old that time. Still not familiar with my surroundings and the language they were using. Pero ngayon, sa hundred percent ng pagiging Pilipino ko; sixty percent lang ang masasabi kong kaya ko nang makipagsabayan sa kanila. I still don’t know the Filipino traditions, the foods and some places here. ‘Yung sixty percent na iyon ay para sa pananagalog ko. When I was in Australia, language talaga ang pinakatinutukan kong pag-aralan. Because I knew that we’ll definitely going back here. Iyon na nga ang nangyari. “Hoy, Eliza, habulin mo si Yeoja!” A sudden voice came out of nowhere. Akma akong lilingon nang bigla na lang may dumamba sa akin. A Siberian husky. “Oh my gosh, Yeoja!” Sigaw ng babaeng tumatakbo palapit sa akin at sa asong nakaupo sa harap ko. “Damn it…” I hissed. Mabilis ang kilos na tumayo ako’t pinagpagan ang suot na damit. Kaagad ko ring kinuha ang maleta kong natumba. “Oh shit, I’m really sorry.” Sabi ng babae habang hinihila ang tali ng aso. Marahas akong nagpakawala nang hininga bago sinulyapan ang aso. I’m not into dogs, pero bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib nang makitang titig na titig pa rin sa akin ang aso. “It’s okay…” Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumalikod. Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay. Ilang sandali lamang ay dumating na si dad. He gave me a bottle of water. Kaagad ko iyong ininom pagkatapos ay sumunod na ako kay dad na naglalakad papunta siguro sa kotse namin. “What happened back there?” tanong niya sa akin habang hila-hila ang maleta ko. “Nothing…” “Are you sure? You look pissed.” Sabi pa niya habang nakangisi. Hindi na lang ako sumagot. I don’t want to talk about some stupid random people. Mahaba ang naging biyahe namin. It took us two hours para lang makarating sa condo na tutuluyan ko. At mukhang hindi nagsisinungaling ang balitang narinig ko kanina sa radio nang sabihin ng babaeng repoter na mahaba ang traffic. Dang, I hate traffics. “Ayos na ba sa iyo ang unit na ito, anak?” tanong sa akin ni dad. Kaagad kong inilibot ang tingin sa loob ng unit. Nasa top floor ang unit na binili ni dad. Four doors, pero mukhang ako pa lang yata ang umuukopa sa mga kuwartong narito sa top floor. Maayos naman ang loob ng unit. Ewan ko kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng init. I feel like I’m finally home. Pakiramdam ko’y para talaga sa akin ang unit na ito. May pakiramdam rin akong para bang tumira na ako rito dati. I don’t know, maybe I’m just being paranoid, in a good way. Nang muli kong ilibot ang paningin ay hindi nakaligtas sa akin ang pagbalatay ng lungkot sa mukha ni dad. He’s staring at the couch na para bang may inaalala siyang nangyari noon. Was it someone special to him? Or was it my mom? “Don’t tell me, you used to live here with my mom?” Seryosong sabi ko. I tried to sound casual. Ayaw kong makaramdam si dad na parang hinahanap ko si mommy. Ever since I was a kid, I never asked dad anything about her. He never mentioned anything about my mom anyway. Baka sensitibong topic iyon. I don’t want dad to feel sad. “She owned this unit before.” “What?” Sabi kong napapakunot ang noo. Hindi nga ako nagkamali. “Anyway, I need to go, Kydel. Maiwan na kita para naman makapagpahinga ka. If you need something else, tawagan mo lang ako.” Sabi ni dad bago ako tinapik sa balikat. He doesn’t want to talk about mom. Siguro nga may isang nakakalungkot na nakaraan sila ni dad; na naging bunga kung bakit wala ito ngayon sa piling namin. “Sure dad…” pagsagot ko bago inihatid si dad sa elevator. Nang makaalis ito’y kaagad na akong naglakad pabalik sa unit. Pero hindi pa man ako nakakarating sa pinto ng unit ko’y biglang bumukas naman ang katapat nitong pinto. A girl with a long black hair, wearing a big grey hoodie and ripped jeans, went out of her unit. Akala ko’y ako lang ang tao sa top floor, meron pa pala. Nagsalubong ang mga mata namin. Ewan ko ba, pero parang may humaplos sa puso ko. Pinilit kong iwaksi ang nararamdaman. Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad. “Woah, I have a new neighbor!” malakas na sabi ng babae na ikinaangat ng kilay ko. I tried to smile, ngunit pagkatapos niyo’y kaagad na akong nagpatuloy sa paglalakad palapit sa aking unit. “Uh, excuse me…” Nakangiting mukha nito ang nalingunan ko. “…I’m Brooklyn, how about you?” I should ignore her question and went straight to my unit, but I stopped right in front of my door. “I’m Ky.” “Hi, Ky!” nakangiti nitong sabi bago inilahad ang kamay sa akin. Right, why should I ignore her? She looks kind and easy to be with. Wala naman sigurong mawawala if I make new friends. “How are you?” Uh, should I answer that question? We’re still strangers to each other, though. “Oh right, sorry ah, feeling close ako. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng neighbor.” Napapangiwing sabi sa akin ni Brooklyn. “It’s okay.” “I bet you came from abroad. Are you going to study here? Are you staying here for good? Can we be friends? I want to be friends with you.” I heaved a sigh. She’s very talkative. Hindi ko alam kung matatagalan ko ba ang isang katulad niya. “Yes…” maiksi kong sagot. Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni Brooklyn. Kasunod niyon ang bigla niyang pagyakap sa akin nang mahigpit. “Alright, I will let you take some rest now.” Marahan akong tumango’t kaagaad nang tumalikod. Her hug feels like I'm home. “Oh, by the way, can you please take good care of that unit?” Awtomatikong kumunot ang aking noo. “Of course I will, this is my unit.” “It used to be my mom’s unit, kaya hindi ko maiwasang pakiusapan ka.” Lalong lumalim ang gitla sa aking noo. “Your mom?” “Uh, yeah, why?” “If this was your mom’s unit, why didn’t you take this instead of that one?” Tanong ko bago sumulyap sa unit na nilabasan niya kanina. “Actually my dad owned this one. Gift nila sa akin ang unit na iyon kasi malapit na ang nineteenth birthday ko.” Nakangiting sagot sa akin ni Brooklyn. “But my dad told me this was my mom’s…” “Really?” taas ang kilay na tanong niya. I nodded. “Well, baka naman binenta ni mom sa mom mo ‘yang unit. O ‘di kaya’y nauna ang mom mo na bilhin iyan bago si mommy.” “Maybe…” seryoso kong sagot. But actually, I was confused. Many things running in my mind. Like, sino ang mommy ni Brooklyn? Because as far as I remember, si mom lang ang nag-iisang may-ari ng unit na ito. Though, ngayon ko lang nalaman na ito ang unit ni mommy; matagal nang nababanggit ni dad na may condo unit na pagmamay-ari si mom ever since they were in college. Natapos ang pag-uusap namin ni Brooklyn. She invited me for dinner this coming weekends. Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag dahil darating daw ang parents niya. Ayaw ko namang maging bastos, and besides, I’m curious about her parents. I prepared my dinner. A simple pasta and tomato juice. Pagkatapos niyo’y inayos ko na ang mga gamit ko. I finish nearly one in the morning. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi naman sa kailangan kong mag-adjust, kundi dahil sa sanay na akong matulog nang umaga. I played video games all day, all night. Well, of course, I know my limitations. I only play on weekends o ‘di kaya’y kapag vacation, tulad ngayon. “Oh damn…” mariin kong sabi nang maalalang hindi na nga pala bakasyon. June nga pala ang start ng klase rito sa Pilipinas. At July na ngayon, ibig sabihi'y may klase na ako. Seems like I really need to prepare myself. Dahil makakasalamuha na naman ako ng bagong mukha. Hindi ko nga lang alam kung magiging kaibigan ko ba ang mga makikilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD