Kabanata 13

2032 Words
"How was it?" Kenoz asked. Nasa cafeteria kami ngayon. Dalawa lamang kami dahil may kani-kaniyang lakad ang mga kaibigan namin. Naikwento ko kay Kenoz ang mga nangyari. Simula nang makarating kami ni Kydel sa Pagudpod hanggang sa mapadpad kami sa Sanchez Mira. I also told him about Kydel being the long lost son of Tita Shania and Tito Lawrence. He was shocked, of course, hindi naman kasi niya alam na si Kydel pala ang nawawalang anak nila Tita Shan. "What do you mean? I already told you what happened." Tanong ko pabalik bago sumimsim sa iced coffee na binili ko. Kenoz chuckled. He leaned on his chair and looked straight at me. He smirked. "You know exactly what I'm talking about, Yuki Annalise." Saglit akong natigilan. Hindi ko magawang iwasan ang titig sa akin ni Kenoz. He's my bestfriend at alam niya kapag may isang bagay akong hindi sinasabi. Kaya naman hindi na ako nakawala pa sa mga mata niyang nagtatanong sa kung ano pang mga nangyari. Marahas na nagpakawala ako ng buntong-hininga. I carefully put back my iced coffee on the table before clearing my throat. "I don't know," I said. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Kenoz. "What do you mean you don't know?" I rolled my eyes. "It's hard to explain," inis kong sabi bago sumandal sa aking upuan. "I mean, I can explain it, I can say the whole story, but not with you." Malaking ngisi ang pinakawalan ni Kenoz na siyang lalo kong ikinainis. Parang gusto kong tumayo at lumapit sa kaniya para burahin ang ngising iyon. "You had sex." Walang kagatul-gatol niyang sabi na ikinanganga ko. Hindi ako nakapagsalita. I wanted to say something pero hindi ko talaga magawa. Para bang naumid ang dila ko. Kaya naman naging dahilan iyon para lalong ngumisi si Kenoz. "So, how was it?" "How was what?" "The sex." "Oh shut up, Kenoz! Baka may makarinig sa'yo!" He's ridiculous! Talaga bang itatanong niya iyon sa akin? At sa loob pa mandin ng cafeteria kung saan marami kaming kasabay na kumain. Kenoz shook his head and zipped his mouth with his hand. Pero saglit lang siyang natahimik dahil bigla siyang nagpakawala ng malakas na tawa nang may maupo sa tabi ko. It was Brooklyn. Bakas sa mukha nito ang pagtataka pero hindi na lang nagtanong dahil excited itong magkwento ng tungkol sa kuya nito. It has been a week since I last saw Kydel. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ito nakikita. He's my classmate, pero hindi ko ito nakikitang pumapasok. Brooklyn said, he was looking for a new condo, and that really took his time. Especially when Kydel's moving in with his things. Marami itong inaasikaso. Sinabi rin ni Brooklyn na mamayang gabi ang pagkikita nilang buong pamilya. That means, Kydel's finally meeting his real family. And that also means me distancing myself from him. Because like boys, Brook and I have a girl code, which we aren't allowed to date our friend's brothers. Ibig sabihin hindi pwedeng maging kami ni Kydel. Hindi rin pwedeng magkatuluyan si Brook at ang kuya ko. Kapag lumabag kami sa agreement na iyon, friendship over na. I don't want that to happen. I don't want Brooklyn to hate me. Kaya hangga't maaga pa, hangga't hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko para kay Kydel, sisimulan ko nang umiwas. "So, I'm inviting everyone for tonight's dinner at our place. May ipapakilala kami nila Mommy." Nakangiting sabi ni Brooklyn. Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Kenoz. He stopped smirking. He's just looking at me and I can see how worried he was for me. Inilipat ko ang tingin kay Brooklyn. "I'm sorry Brook, I have plans for—." "I won't take no for an answer unless you have valid reason." I slept with your brother, isn't that enough reason? Gusto ko sanang sabihin kaya lamang ay hindi ko naman gustong magalit sa akin si Brooklyn. Saglit akong lumunok. "I...I—" "Actually, I'm taking Yuki for a date tonight, Brook." Kaagad na napaangat ang tingin ko kay Kenoz. He winked at me. Nakalimutan kong hindi nga lang pala sa amin ni Brooklyn ang agreement na iyon, kundi sa lahat ng mga kaibigan namin. Salubong ang kilay na nagpalipat-lipat ang tingin ni Brooklyn sa aming dalawa ni Kenoz. Ilang sandali lang ay tumango ito bago kumagat sa pizza na binili. "Okay, sasabihin ko na lang sa iba na may date kayo." Pagkatapos ng lunch break ay kaagad na nagpaalam si Brooklyn. Maaga raw itong uuwi dahil tutulong sa Mommy nito na maghanda para sa dinner. Kami na namang dalawa ni Kenoz ang magkasama. Katahimikan ang namayani. Kung kanina ay binibiro niya pa ako tungkol sa nangyari sa amin ni Kydel. Ngayon ay pareho kaming tahimik na kumakain. Tila ngayon lang talaga nag-sink in sa utak namin na sumuway ako sa usapan naming magkakaibigan. "I'll keep my mouth shut. I promise I won't tell anyone about it." Huling sinabi ni Kenoz bago siya tumayo. Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga bago niya ako niyayang umalis ng cafeteria. Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Kenoz. Magulo man ang isip ko sa ngayon, alam kong buo na ang pasya kong umiwas kay Kydel. Kung magkakaroon man kami ng pagkakataong makapag-usap, siguro ay tungkol na lamang iyon sa school. — Katatapos ko lamang ayusin ang aking kama nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. My brows automatically furrowed. Walang kahit na sino ang may alam kung saan ang bago kong condo. Well, maliban kay Brooklyn. Pero may klase ito ngayon. And Brooklyn told me last night she's going help her mom to prepare our dinner for tonight. Nagtataka man ay pinili kong pagbuksan kung sino ang nasa labas. Bago tuluyang makalapit sa pinto ay mabilis kong sinulyapan ang aking relo. It's already eleven in the morning. I should be eating my lunch, but since I was busy moving in to my new place I forgot about it. Pagkaalis na lang siguro ng bisita ko. Pagkabukas ng pinto ay bigla akong natigilan. There's two people in front of me. A man and a woman. They're both familiar. Hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon ko sila makikita. Akala ko mamaya pa. Hindi kaagad ako nakahuma nang walang pasabing ipaloob ako sa yakap ng babaeng halos umabot lang sa leeg ko ang tangkad. She was small, but the way she hugged me, para bang isang malaking tao ang yumayakap sa akin. It was warm; and the only thing I could think of is home. "Finally," she cried. I was also crying. Habang pinapapasok ko sila sa loob ay umiiyak ako. We were all crying. Hanggang sa tumikhim ang lalaking nasa likod ko. "Kydel," he said. Mabilis akong tumango. "Yes. I'm Kydel." "Do you know us?" Isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi. Pinakatitigan kong maigi ang kanilang mga mukha. "Shania Lopez Aragon, and Lawrence Keith Aragon. My Mom and Dad." Napansin ko ang pagtinginan nilang dalawa. Marahang yumakap si Mom kay Dad at doon umiyak nang umiyak. "I told you it was him." Sabi ni Dad na ikinakunot ng noo ko. Saglit nitong pinatahan ang asawa bago humarap sa akin. "Don't you remember the first time we met?" Lalong kumunot ang noo ko. Saglit akong nag-isip na tila may binabalikan sa alaala. At ang tagpo sa supermarket ang lumitaw sa isipan ko. The man I met was my Dad. Kung maaga ko lang nalaman ang tungkol sa pagkatao ko, hindi sana tumagal ng ganito ang pagkikita namin. "You looked exactly like your dad." Mahinang sabi ni Mom bago malayang pinalandas ang mga kamay sa aking mukha. She was smiling with tears falling from her eyes. Isa-isa niyang tinitigan ang bawat parte ng mukha ko. Parang bang sinasaulo niya ang hitsura ko. Para bang sinusulit niya ang pagkakataong ito dahil baka mawala na naman ako sa buhay nila. "Mom..." "This is actually the first time I've seen your face. Hindi ko man lang nakita ang mukha mo noong baby ka pa." Umiiyak na wika ni Mommy. "Dwayne lied to us. Ang sabi niya patay ka na. Pero kahit sinabi niya yun, ramdam ko na hindi iyon totoo. I knew you're alive. At tama ako. Napatunayan yun nang sabihin sa amin ng nurse ang tungkol sa ginawa ni Dwayne. But we were too late to take you back. Wala ka na sa bansa. Taon ang lumipas bago namin nalaman na buhay ka; na tinatago ka pala ni Dwayne." May pait sa boses na sabi ni Mommy. "Dwayne told me about you, mom. Lahat tungkol sayo." Lumipat ang tingin ko kay Dad. "He never mentioned you, dad. He never told me he's not my father. Buong buhay ko inisip ko na si Mommy lang ang kailangan kong hanapin; na siya lang yung kulang sa buhay ko. Turns out isang buong pamilya pala ang kailangan kong hanapin para mabuo ako." Tumigil ako saglit sa pagsasalita. Nababasag ang boses ko. Ayaw kong magsalita habang umiiyak dahil alam kong hindi ko masasabi lahat ng gusto kong sabihin. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "I hired a private investigator. Doon ko nalaman na hindi si Dwayne ang totoo kong ama. I confronted him—asked him why he lied to me. I even told him to help me find you, pero hindi siya pumayag. That's why I went to Pagudpud with Yuki." Bakas sa mukha ni Mom and Dad ang gulat. Nagkatinginan silang dalawa bago ngumiti. "Hindi mo kami naabutan, tama ba?" Tanong ni Dad. Mabilis akong tumango. "I thought nakaalis na kayo papuntang New York." Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Mommy. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang kanina lamang ay walang tigil sa pag-agos. "When Dwayne told us you're in New York, naghire din kami ng investigator just to make sure he's telling us the truth. Nang malaman namin na nagsisinungaling siya ay bumalik kaagad kami ng Manila. Ang sabi ng inupahan ng daddy mo, nasa school na pinapasukan ni Brooklyn ka nag-aaral. So my instinct told me to ask Brook if she know someone named Kydel. Pero bago ako makapagtanong nakita ko na ang pictures mo sa mga gamit na nasa condo ni Brook. There were pictures of you with Dwayne." Muli, katahimikan ang namayani. Gusto naming sabihin pa ang mga bagay na gusto naming sabihin. Para bang sa ganoong paraan lang namin maipapakita at maipapadama na sobrang nangulila kaming lahat sa isa't isa. Sa huli, tahimik na muling nagyakapan na lamang kaming tatlo. We said our I love you's and I miss you's. Pagkatapos niyon ay tinanong na nila ako ng mga bagay na nangyari sa buhay ko sa nakalipas na dalawampu't tatlong taon na hindi ko sila kasama. "Have you eaten your lunch?" Tanong ni dad. Marahan akong umiling. "I haven't eaten yet." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Mom. Mabilis siyang tumayo at inabot ang aking kamay. "Sa bahay na tayo kumain. Nagluto ako bago umalis." "Pero hindi ko pa po tapos—." "Papapuntahin ko na lang dito ang secretary ko para siya ang mag-ayos ng condo mo." Sagot naman ni Dad bago kami tinulak ni Mom papunta sa pinto. "I'm pretty sure Levi's waiting for you. He's excited to meet his Kuya." Hindi ko na napigilan ang mapangiti. I'm excited to meet him too. Maraming naikwento sa akin si Brooklyn about kay Levi. Kaya naman hindi na ako makapaghintay na makarating kami sa bahay. Oh, I'm so happy. Walang pagsidlan ang nararamdaman kong kaligayahan sa mga oras na ito. I can't wait to tell Yuki about it. I can't wait to see her reaction. Naalala ko, isang linggo ko na yatang hindi nakakausap si Yuki. Masyado kasi akong naging abala sa paghahanap ng condo unit na malapit sa school. Naging abala rin ako sa paglilipat ng mga gamit ko. Anyway, magkikita naman kami mamaya. Nasabi sa akin ni Brooklyn kagabi na invited ang mga kaibigan niya sa dinner. Sana lang kapag nagkita kami mamaya ay hindi siya magtampo sa akin. God, I miss her. I'll make sure to talk to her tonight and tell her my feelings. Pero bago iyon, kailangan ko munang sumama sa bahay nila Mom para makilala na ang tunay at buo kong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD