Kabanata 5

1957 Words
"So, you're from Australia." Napapataas ang kilay na sabi ng Mommy ni Yuki. Her name's Kyla. It sounds familiar, but I never paid attention on her name that much. Natutuwa kasi ako sa paraan ng pagkilala nito sa akin. I can tell that she's a good mother. "Yes, Tita." I said before glancing at Yuki. Nasa counter ito sa kusina. She's preparing some snacks for us. Busog pa naman ako, pero mahirap tanggihan ang pagkain lalo na kung mabuting tao ang nag-alok. "What's your full name, hijo?" Tanong naman ng Dad ni Yuki. Ang mga mata nito ay nakatuon sa laptop. Pero malakas ang kutob kong nakatuon din ang atensiyon nito sa akin. Well, who wouldn't? Anak nitong babae ang pinag-uusapan. Kahit sino naman sigurong magulang ay ganoon ang gagawin. Lalo pa kung babae ang anak ng mga ito. "Ah, Kydel Shaun Castro po." Sagot ko bago ipinagsalikop ang mga kamay. I'm nervous. Pakiramdam ko'y kakainin nila ako ng buhay. "Enough with the interview, guys." Singit ng kararating lang na si Yuki. Inilipag niya ang tray na may tea at cookies. "Pagpahingahin niyo naman si Ky. Kanina pa siyang nagmamaneho tapos pagdating dito gigisahin niyo pa?" Magkapanabay na tumawa ang mga magulang ni Yuki. Nagkatinginan pa ang mga ito bago muling nagtanong. "Saan ba kayo nagkakilala ni Kydel, anak?" "Obviously—sa school. We're classmates." "Oh..." Saglit na ngumisi ang mom ni Yuki bago tumango. "Anyway, you're right. It's getting late. Kailangan na rin naming magpahinga ng dad mo. May lakad pa kami bukas." Kaagad akong tumayo nang magpapaalam na ang mga magulang ni Yuki. Hindi ko napigilan ang mapangisi. Nang tuluyang makaalis ang mga magulang ni Yuki ay kaagad ko siyang sinulyapan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkailang. "So, where's my room?" I asked. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Yuki. Bigla siyang napangiwi at napakamot sa batok. "Okupado ang lahat ng silid. Lahat ay ginawang opisina ni Dad. Malaki kasi ang project na hawak niya ngayon. Dito pansamantalang tumitigil ang mga kaibigan niya." "Kung ganoon, magbo-book na lang ako ng room sa ho—." "You can use my room. Sa kuwarto na lang ako ni Yuna matutulog." A playful smile formed in my lips. "Are you sure?" "Well,.." Sandaling nag-alangan si Yuki. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago sumandal sa couch. "Pwede ako sa couch. Hindi naman siguro sasakit ang katawan ko kung—." Isang tikhim ang nagpatigil sa aking pagsasalita. May katangkarang lalaki ang nalingunan ko sa hagdan. Kamukha ito ng dad ni Yuki. "Oh, Kydel, si Kuya Jin." Pakilala ni Yuki sa lalaking naglalakad na ngayon palapit sa amin. "You're Kydel?" May kunot sa noong sabi nito bago ako pinagmasdang mabuti. Para bang may sinasabi ang titig nitong iyon. "Your name's kinda familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig. Have we met before?" "I don't think so. I grew up in Australia." "Right! That's it! You're Kydel Castro. Trisha's ex-boyfriend." He smirked. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Pinanatili kong kalmado ang ekspresiyon sa aking mukha. Kahit na ba nangangati na ang mga kamao kong ipatama iyon sa panga nito. "So, you're the new guy." I said nodding. Tumiim ang mga bagang ko. Ito ang dahilan kung bakit nagawa akong lokohin ni Trisha. Si Jin ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang babaeng akala ko'y kasama kong bubuo ng pamilya. Pareho kaming natahimik ni Jin. Dahilan para umigting ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung magpapang-abot kami kung tumagal pa iyon ng ilang minuto. Pumagitna na kasi si Yuki. Mariin niya akong hinawakan sa braso at kaagad na hinila papunta sa pinto. "Where are you going, Yuki?" Tanong ni Jin. "Babalik na kami ni Ky sa Manila. Pakisabi na lang kay Mom at Dad na nauna na kami. Bye!" Malakas na sabi ni Yuki bago kami tuluyang makalabas ng bahay. Nagpatianod lang ako sa ginawa niyang paghila sa akin. Nang makarating kami sa sasakyan ay saka lamang siya nagsalita. "Magrent na lang tayo ng room sa bayan." Suhestiyon niya habang binubuksan ang pinto ng kotse sa passenger seat. Kumunot ang noo ko. Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. I'm expecting her to ask a lot of questions about what just happened between me and Jin. Pero ni isa sa mga iyon ay wala akong narinig. Instead, she wants us to rent a room. Paraan siguro para mapigil ang nagbabadyang away sa pagitan namin ni Jin. "Okay," tangi kong nasabi bago naupo sa harap ng manibela. — Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Nasa harap na kami ng pinto ng kuwartong kinuha namin ni Kydel. Ang plano ko lang naman ay ilayo siya pansamantala dahil alam kong aalis din naman si Kuya. Kaya lamang ay ramdam kong hindi matatapos doon ang lahat. May pakiramdam akong kung magtatagal pa kami ni Kydel sa bahay, tiyak na magkakagulo. "Kanina ka pa bumubuntong-hininga." Napapairap na inilapag ko ang bag na dala sa couch na nasa gilid. Padaskol akong naupo roon. "Bakit ba kasi walang available room na may dalawang bed?" Lalo akong nainis nang marinig ko ang paghalakhak ni Kydel. Akma siyang uupo sa tabi ko nang mapansing hindi kami kasyang dalawa roon. Malaki siyang lalaki kaya hindi na ako magtataka kung magmumukhang pambata ang couch. "We can share—." "Excuse me? Lalaki ka at babae po ako. Hindi magandang tingnan na matutulog tayong magkatabi." I said sarcastically. Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Kydel. Nakapaskil pa rin sa kaniyang mga labi ang ngising kanina ko pa gustong burahin. "May manonood ba sa atin habang natutulog? May makakaalam bang nagtabi tayo sa kama?" He said with an amused smile on his lips. He took a deep breath and laid on the bed. "C'mon, Yuki. We're both tired. Kailangan na nating matulog dahil ilang oras na lang ay magliliwanag na." "But—." "I won't do anything to you. Not now. Not, without your permission." May nakakaloko mang ngisi sa mga labi ni Kydel ay hindi ko napigilan ang makaramdam ng relief. "O-Okay..." Marahan ang ginawa kong pagtayo. Akma na sana akong lalapit sa kama nang biglang tumunog ang aking cellphone. Someone's calling. Kaagad kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. "Yuki!" Awtomatikong nailayo ko ang cellphone sa aking tainga. Inis na napabuntong-hininga na lamang ako bago kinausap ang mga kaibigan ko sa kabilang linya. "Yuki, bakit hindi mo sinabi sa amin?" Dimitri asked. "Kung hindi pa nagpost ang Mom mo, hindi namin malalaman na ikakasal ka na!" Malakas namang sabi ni Delancee. May ilan pa akong tanong na narinig mula sa mga kaibigan ko. Pero isa man sa mga iyon ay hindi ko nasagot. Ang gulo kasi ng mga ito at nag-uunahan pa sa pagtanong. Mukhang magkakasama ang mga kaibigan ko maliban sa akin at kay Brooklyn. "Okay, that's enough guys. Hindi na makakasagot si Yuki kung lahat kayo sabay-sabay na magtatanong." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Kuya Kenoz. Mabuti na lamang at naroon din ito kasama ng mga makukulit na kaibigan namin. "Ah, what are you guys doing? Madaling-araw na. Bakit hindi pa kayo natutulog?" I wanted to change the topic, dahil may pakiramdam akong hindi ako makakatulog sa dami ng tanong ng mga ito. "We're having a party." Tatiana answered. "Hey, you're only fourteen! Matulog ka na!" Malakas kong sabi na ikinatawa ni Kydel. Natuon tuloy sa kaniya ang tingin ko. "Oh, you're with him!" Napapabungisngis na sabi ni Delancee. "No, I was—." "We'll video call you, Yuki. Sagutin mo. Kapag hindi mo iyon pinansin, maniniwala na kami sa sinabi ni Tita na buntis ka." "What the fu—." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang maputol ang tawag. Wala pang sampung segundo ay muling tumunog ang aking cellphone. A video call from Delancee. Damn! "Where is he?" Tanong kaagad nito nang sagutin ko ang tawag. "Show us your fiancé, Yuki." "Are they your friends?" Muli akong napalingon kay Kydel. And again, I heaved a sigh before handing Kydel my phone. Kinuha niya iyon at hinarap ang mga kaibigan ko. He flashed his sweetest smile. "Hi," he said. "Oh my gosh! Do you have a brother?" Maarteng tanong ni Delancee. Oh God, Delancee Montecillo. Kanino pa ba ito magmamana ng kakulitan at kaartehan? Natural sa mga magulang nitong kulang na lang ay maging asukal sa sobrang ka-sweet-an. I heard Tita Cassidy seduced her husband way back in college. Na sa tingin ko, hindi naman mali dahil sila palang dalawa ang nakatadhana. "I'm sorry, but I'm an only child." May awkward na ngiti sa mga labing sagot ni Kydel. "I'm Kydel, by the way." "Oh. I'm Delancee. Yuki's best friend. The future ninang of your children. But, I can also be the future mother of your—." "Shut up, Delancee. Ang sama na ng tingin sa'yo ng kapatid mo." Salubong ang kilay na sabi ni Dim pagkatapos nitong batukan si Delancee. Saglit akong nakisilip sa screen at nakita kong masama na nga ang tingin ni Ryder sa ate nito. Dahil doon ay bigla akong natawa. "It's getting late, everyone. Hayaan niyo muna silang magpahinga." Saway na naman ng matanda sa amin—si Kuya Kenoz. "Yuki, and...Kydel, right? Ah, birthday ni Mom, next week. Huwag kayong mawawal sa party. Marami tayong pag-uusapan." Tumango na lamang ako bilang sagot. Nang matapos ang video call ay saka lamang ako nahiga sa kama. Mariin akong napapikit. Inaantok na ako. "Who are they? Napansin kong iba-iba ang edad ng mga kaibigan mo." Pagdaka'y sabi ni Kydel. Naramdaman ko ang paghiga niya. Hindi ako nagmulat. "Are you sleeping—oh, that's one stupid question." I laughed. Malakas. Dahil doon ay napamulat ako. Bigla'y parang ayaw ko na lang matulog. "Weird ba ang circle of friends ko?" "No. I find it unique." Sagot niya bago humarap sa akin. Nakatagilid siya habang nakatukod ang siko sa malambot na unan. Ganoon din ang ginawa ko. Pero nanatiling sa leeg niya nakatuon ang aking mga mata. "Kenoz Vergara's the oldest. He's also twenty-three years old, like you. Sister niya si Tati. She's fourteen. They're the son, and daughter of Tito Indigo and Tita Jaycelle Vergara." Saglit na sinulyapan ko si Kydel bago nagpatuloy. "Sunod ay ako. And then, there's Brooklyn, she's nineteen. Seventeen naman si Delancee at si Dimitri. Ang kapatid naman ni Delancee ay si Ryder na fifteen years old. And lastly si Tati and Levi. They're fourteen." "Wow. Parang ang saya mapabilang sa mga kaibigan mo." Komento ni Kydel na ikinangiti ko. Dati, sa mga past relationships ko, lahat ay nawiwirduhan sa mga kaibigan ko. Sinasabi ng mga itong isip-bata ako dahil doon. At first, kibit-balikat lang ang isinasagot ko. Pero sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ng mga ito ang mga kaibigan ko, gulo ang nangyayari. Bully ang mga ito. Pero mas malala yata ang mga kaibigan ko, lalo na si Delancee at Kuya Kenoz. Sila ang gumaganti para sa akin. Dahilan upang mauwi sa hiwalayan ang lahat. At ngayon na narinig ko ang mga salitang binigkas ni Kydel, may parte sa akin ang nag-uudyok na hawakan siya ng mahigpit at huwag pakawalan. "You're smiling. So it's a yes?" Nangunot bigla ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? "Huh?" Clueless kong tanong. "I said, can I have a goodnight kiss?" Kumabog nang malakas ang dibdib ko. He wants to kiss me? Well, he said he likes me. Pero alam kong nagbibiro lang naman siya sa sinabi niyang iyon. But then, I couldn't stop these butterflies inside my tummy. Bago sa akin ang pakiramdam na ito. "Oh, I guess it's a no. I'll try next time." Sabi na lamang ni Kydel bago kumindat sa akin. "Goodnight, Yuki." "Y-Yeah, goodnight," tangi kong nasabi habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Kydel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD