Chapter 37

1602 Words
A/N: Guys, don't forget to follow me ? HUMIWALAY ng pagyakap si Mari nang mapansin niyang pinagtitinginan sila ng mga tao. “What’s wrong, Clarence?” kunot-noong tanong ni Mari. Tumikhim si Clarence at inayos ang sarili. “N-Nothing. Siguro nagugutom lang ako. Baka may kainan dito? O kaya snack na lang?” tugon niya habang hawak ang tyan. Marahang natawa si Mari kasi ang weird naman dahil sa gutom ay yayakapin siya. “May alam akong nagtitinda ng banana cue sa labas. Tara?” “Banana cue? Ano ‘yon?” tanong ni Clarence. Imbis na sumagot si Mari ay hinila iya ang braso nito palabas ng wet market. Pagdating nila do’n ay agad na nag-order ng dalawang banana cue si Mari. “Here,” sabi ni Mari nang ibigay ang banana cue kay Clarence. “May banana pa lang ganito?” naguguluhang tanong ni Clarence na halatang first time niya ma-encounter ang gano’ng klaseng pagkain. Nagpipigil ng pagtawa si Mari. “This is a popular snack food, Clarence. Piniritong saging na binalutan ng caramelized brown sugar. Tikman mo, masarap ‘yan.” Walang pasubali na tinikman ni Clarence ang banana cue. Patango-tango siya habang nginunguya ang pagkain. “Whoa! Delicious! Hindi nakakasawa ang tamis niya,” wika ni Clarence nang ibaling ang tingin sa banana cue na hawak niya. “Di ba sabi ko sa’yo na masarap talaga ang banana cue,” ani Mari saka kinagat ang saging. “So, this will add to my favorite list. Thank you, Mari, dahil na-discover ko ‘to.” Hindi na napigilan pa ni Mari na matawa nang malakas at halos mabilaokan siya dahil sa sinabi nito. “Jusko! Simpleng kakanin lang ‘to, Clarence!” aniya sa isip. “Oh my gosh! Tubig! Tubig!” natarantang sabi ni Mari. Agad naman na binigyan siya ng tubig ng babaeng nagtitinda at mabilis na ininom niya ‘yon. “Salamat, Ate,” wika ni Mari nang makaramdam siya ng ginhawa. “Are you okay now?” nababahalang tanong ni Clarence habang hinahaplos ng palad niya ang likod ni Mari. “Yes, I’m fine. Thank you. Ikaw naman kasi, Clarence. Haay. Naalala ko no’ng unang kain ko sa banana cue. Ganitong-ganito rin ang reaksyon ko,” natatawang sabi ni Mari. “I’m so proud of you, Mari. Despite of your past and bad experience mo sa family mo, pinili mo ang simpleng buhay. Nakaya mong tumayong mag-isa para kay Gianni at sa Lola Epiphania mo. You’re definitely a brave woman.” “Wala naman kasi akong choice, Clarence. Pinilit ko na lang talaga na gawin ‘yon at nilabanan ko lahat ng ‘yon para sa anak natin.” Nang maubos na ng dalawa ang banana cue nila ay muling nag-order ng apat pa si Mari. “Bakit bumili ka pa? Ang dami naman niyan, Mari,” tanong ni Clarence. “Pasalubong ko ‘to para kina Lola at Gianni. Paborito rin kasi nila ito,” ngiting pagsagot ni Mari. Napatingin si Mari sa wrist watch niya at nanlaki ang mata. “Omg! Isang oras na pala tayo sa wet market, Clarence. Baka gutom na sila, kailangan na natin umuwi!” Nagmamadali naglakad ang dalawa patungo sa parking lot. Agad na binayaran naman ni Clarence ang matandang lalaki sa pagbabantay sa kotse niya. *** HINDI mapakali si Kate at panay lakad niya sa kwarto niya. Simula no’ng maeskandalo siya sa engagement party niya ay unti-unting lumala ang anxiety niya. Kauuwi niya lang kanina mula sa check-up niya sa psychologist. Ang payong binigay sa kanya ng doktor ay magpahinga at i-divert ang sarili sa ibang bagay para makalimutan ang nangyari sa event. Pero kahit anong gawin niya ay nananaig pa rin ang poot sa ginawa ni Mari sa party niya. “That b***h! Argh!” inis na sigaw ni Kate saka ibinalibag ang swiveling chair sa kwarto niya. Lumabas siya ng kwarto para magpahangin. Nasa sala na siya nang makasalubong niya si Vina. Her sister is smiling while looking at her. Tinaas ni Kate ang isang kilay niya. "What's with that smile, Ate Vina?" Kate snapped and her frustration bubbling to the surface. "Can't you see I'm not in the mood for this right now?" “Gusto lang naman kita i-cheer up, Kate. You’ve been down lately, and I thought a little positivity could help.” Mapangutyang tumawa si Kate alam niya kasing inaasar lang siya nito. “Positivity? Really, Ate? After what your sister did at the party? I can’t just forget about it. Alam ko naman masaya ka sa pagbagsak ko. Edi magsama kayo ng kapatid mo!” With those words, Kate turned on her heel and walked away. Ayaw na rin niyang makipagtalo at baka mas lalong siyang ma-depress dito. Nagpasya siyang puntahan ang dad niya sa company building. Pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ay narinig niya ang usapan nina Lydia at Robert. “Sir, bumababa na ang stock market natin. At baka mas lalong bumaba pa dahil do’n sa isyung nangyari sa engagement party. We almost lost millions of pesos everyday.” Nagpormang kamao ang kamay ni Robert. Uminit bigla ang dugo niya dahil sa kagagawan ni Mari. Kung hindi lang sana ito pumunta sa bar noon ay baka naging maayos pa ang negosyo niya ngayon. “Please get our helicopter ready, Lydia. Kakausapin ko si Mari ngayon.” Napataas ng kilay si Kate at tila kinakabahan siya sa gagawin ni Robert. “Dad? Makikipag-usap ka kay Mari? For what reason? She despises you already. Don’t you remember?” “Kailangan kong makipag-deal kay Mari, Kate. And could you please stop meddling with my own business? Alam mo kung ano ang dapat mong gawin? Makipagbalikan ka kay Clarence kasi ang Sinclair Group na lang ang pag-asa dahil pabagsak na ang kompanya natin,” giit na sabi ni Robert na may halong galit. Napabuga na lang ng hangin si Kate. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanya. Tumindig si Robert mula sa kinauupuan niya. “Let’s go, Lydia,” seryosong sabi ni Robert. Naiwang mag-isa sa opisina si Kate saka siya sumigaw sa inis. “Argh! This bullsh*t life!” Nag-set ng oras si Lydia kay Mari para sa meeting nito kay Robert. Medyo nagdalawang isip pa si Mari kung sisipot ba siya o hindi sa meetup nila ng dad niya. But for her respect ay napilitan siyang puntahan ito sa coffee shop. Walang emosyong pumasok siya sa loob at umupo sa harap ni Robert. “Bakit ganito na lang ka-importante ang meeting na to na kailangan mo pang lumipad from Manila to Baguio?” sarkastikong tanong ni Mari. Sumandal sa upuan si Robert habang minamasdan ang mga titig ni Mari sa kanya. He took a deep breath before speaking in a tone with frustration and determination. “Mari, I don’t have time for games. Our company is on the verge of a financial disaster, and your little stunt at the engagement party of your sister only made things worse. Now. . .” May kung anong kinuha si Robert mula sa brown envelope na dala niya. Nilatag niya sa mesa ang dokumento sa harap ni Mari. “I’m asking you a favor, Mari. Please sign this annulment form. Alam mo namang malakas at marami akong koneksyon, kaya kong madaliin ang annulment niyo ni Clarence,” seryosong sabi ni Robert. Nanlaki ang mata ni Mari nang mabasa niya ang annulment paper sa mesa. Pinadulas niya ang papel pabalik kay Robert senyales na hindi siya pabor sa kagustuhan nito. “I won’t sign it,” direktang sagot niya rito. Napataas ng bahagya ang dalawang kilay ni Robert saka marahang tumawa. “At bakit naman hindi, Mari? Don’t tell me. . . in love ka na kay Clarence? O baka naman nakukulangan ka sa isang milyon na binigay ko sa’yo noon? How about ten million pesos? Siguro naman sapat na ‘yon para layuan mo ang mapapangasawa ng kapatid mo?” mariin na sabi ni Robert. Huminga nang malalim si Mari nang tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Napakuyom siya ng kamay habang matalim niyang tiningnan ang ama niya. “You really think I'd sell my dignity for your money? Ngayon ko lang sasabihin sa’yo ‘to na ang kapal talaga ng mukha mo. Matapos mo akong itakwil sa Harrington, makikiusap kang makipag-annulment ako kay Clarence? Na para bang. . .” Napalunok si Mari dahil biglang bumigat ang dibdib niya sa poot. And she narrowed her eyebrows. “Na para bang ginawa mo akong bata na akala mong mauuto mo ako? Nagkakamali, Mr. Robert Harrington dahil nagbago na ako. Tama lang din na kinasal na ako kay Clarence dahil diring-diri na ako sa apelyido ko. At saka. . . h’wag mo akong idamay sa pagbagsak ng kompanya mo. Maybe you should consider reevaluating your business strategies. Hindi ‘yong aasa ka lang sa Sinclair Group. How pathetic you are.” Sandaling napawi ang ngisi ni Robert at napalitan ito ng pagkairita. “You always had a sharp tongue, just like your mother—” "Don't you dare mention Mom in this! Among all the fathers I've encountered throughout my life, you... you hold the title of being the most terrible father! At alam mo bang naisip ko minsan? Na sana. . . sana ikaw na lang ang namatay, hindi si Mommy!” mariin na pagkasabi ni Mari direkta sa mga mata ni Robert. Samantalang biglang sumiklab ang galit ni Robert sa puso niya. Akmang sasampalin niya si Mari ngunit biglang may pumigil sa kamay niya—it was Clarence! “C-Clarence? W-What are you doing here?” gulat na tanong ni Robert dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD