TULALA nang titigan ni Clarence si Mari habang naglilinis ito ng opisina niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naging asawa niya ito sa papel. Paano nangyari ‘yon?
Bumuntong-hininga si Clarence saka tumindig. Lalapitan niya sana si Mari pero parang pinipigilan siya ng kanyang paa na gawin ‘yon. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence nang magtama ang mata nila nang lumingon ito sa direksyon niya.
“S-Sir? M-May problema po ba? O baka may gusto kayong ipalinis pa sa akin?” Nahihiyang marahang tumawa si Mari. “Pasensya na po pala do’n sa vase niyo. Kung alam ko lang na mahalaga pala ‘yon, hindi na ako naglinis sa mesa niyo.”
Umiling si Clarence. “No. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasigawan kita. Salamat pala sa pagbuo ng vase ko. Alam kong mahirap pero ginawa mo. I didn’t expect that pero salamat.”
Napakamot na lang ng ulo si Mari. “Ah. Hehe. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At saka kasalanan ko naman talaga ‘yon.”
Huminga muli nang malalim si Clarence, iniisip niya kung ano ang sasabihin niya kay Mari tungkol sa nalaman niya ngayon.
“Uhm, I have a question, Mari. Nagkakilala na ba tayo before? That night—I mean no’ng nakaraang panahon? Hindi mo ba ako natatandaan?”
Natigilan si Mari at bigla niyang nabitawan ang hawak-hawak niyang feather duster. Bigla na lang pumasok sa isip niya na baka tungkol ito sa married status nilang dalawa? Alam na ba ni Clarence ang tungkol do’n?
Napalunok si Mari at tila bang walang sagot na pumapasok sa isip niya dahil hindi niya matandaan. Napataas na lang ng dalawang kilay si Clarence, waiting for Mari’s answer.
Kalmadong umiling si Mari. “H-Hindi po. Wala akong matandaan na nagkita na tayo before. Bakit po pala? Kilala niyo po ba ako?” Nanliit ang mata ni Mari at umaasa na baka ito na ang sagot sa katanungan niya.
Napaupo na lang si Clarence habang tulalang nakatitig siya kay Mari. “This is useless,” aniya sa isip. “No. Hindi ko rin matandaan. I mean. . . I’ve never met you before,” tugon niya rito.
Hanggang sa pag-uwi ni Clarence ay bumabagabag pa rin sa isip niya ang tanong na ‘yon. Saan at paano nangyaring ikinasal siya kay Mari?
“Ugh!” Ginulo ni Clarence ang buhok niya at napayuko na lang habang nakaupo siya sa kanyang kama. He even massaged his forehead para maalala niya ‘yon.
Di kalaunan ay biglang tumawag si Jacob kay Clarence.
“Hello, Jacob?”
“Let’s meet, Clarence. May nalaman ako tungkol sa marriage niyo ni Mari.”
Nanlaki ang mata ni Clarence at napatayo siya sa gulat. “S-Sure! Just send me the address, magkita tayo ngayon.”
***
NASA coffee shop naman sina Mari at Vina para pag-usapan ng dalawa ang tungkol sa marriage ni Mari.
“So, tell me. Paano mo nasabi na kasal kayo ni Clarence?” naguguluhang tanong ni Vina.
“Hindi ko nga talaga maintindihan, Ate Vina. Basta kumuha lang ako ng cenomar kasi nga may single-parent assistance ang hotel sa katulad kong single mom. Pero. . . nalaman ko na lang na kasal na pala ako.”
“And? Hindi mo ba matandaan ‘yon?”
Napabuga ng hangin si Mari out of her frustration na hindi niya maalala ‘yon.
“Kahit ulit-ulitin kong isipin ang nakaraan ko, Ate Vina. Wala talaga akong matandaan na pumirma ako ng marriage contract.”
Humigop ng kape si Vina saka nilapag niya ang mug sa mesa. “Alam na ba ni Clarence ito? He must be aware of this. Syempre, malapit na engagement nila ni Kate.”
Huminga nang malalim si Mari. “Hindi ko alam kung alam na niya ‘to. Pero kanina no’ng nagkita kami ni Clarence, something’s off. Alam mo ‘yong tinanong niya ako kung nagkita na ba kami before or kilala niya ba ako before?”
Napatunog ng daliri si Vina. “That’s it! He already knew it, Mari. Napatanong na lang siya kanina at nagbabakasakaling baka may alam ka.”
“Meaning. . . hindi niya rin alam noon ang tungkol sa status namin?”
“Malamang sa malamang! Kasi bakit siya makikipag-jowa kay Kate na hahantong sa engagement at kasalan kung alam niyang kasal naman pala siya sa iba? Siguro, kumuha na rin siya ng cenomar at do’n niya nalaman na kasal siya sa’yo?”
Namilog ang mata ni Mari dahil posible nga ‘yon, pero nababahala siya sa mangyayari. Paano niya haharapin si Clarence? Paano siya makikisama sa boss niya? Sa asawa niya?
Agad namang iwinaksi ni Mari sa isip niya ‘yon. “Ate, ano gagawin ko? Paano kung malaman ng ibang tao o ng mga ka-trabaho ko ang tungkol dito?”
Napahugot ng malalim na hininga si Vina. “Nag-aalala ako para sa’yo, Mari. Posibleng makipag-annul sa’yo si Clarence para matuloy ang kasal nila ni Kate.”
Tumahimik na lang si Mari. Malaki ang tyansang gagawin ‘yon ni Clarence. At kapag magkataon na makipag-annulment ito, wala siyang choice kundi ang pumirma na lang.
Pero paano ang plano niyang maging valid muli ang pangalan niya bilang parte ng Harrington Group?
***
KABADO si Clarence habang hinihintay niya ang pagdating ni Jacob sa restaurant. Hindi siya mapakali sa sasabihin ng kaibigan. Gusto niyang malaman kung ano nangyari no’ng araw ng magpirmahan sila ni Mari sa marriage certificate.
“Hey!” ani Jacob nang tapikin ang balikat ni Clarence. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ni Clarence dahil sa kaba.
“Jacob!” bigkas niya sa pangalan nito at saka umupo ito sa harap niya.
“So? May alam ka na ba kung paano nangyari ‘yon?”
Napatunog ng dila si Jacob sabay buga ng hangin saka marahang natawa.
“Hindi mo talaga matandaan, Clarence? Ibang klase ka, dude!”
Umiling si Clarence. “Wala akong matandaan. I dunno, Jacob what really happened. Siguro nagka-amnesia na ako.”
Binuksan ni Jacob ang brown envelope na dala niya at saka kinuha ang marriage certificate nina Clarence at Mari. Pinadulas nya sa mesa ang dokumento para ipakita ito kay Clarence.
“Look. Wala ka ba talagang matandaan sa hitsura ng marriage certificate na ‘to?”
Kunot-noong pinasadahan ni Clarence ng tingin ang marriage contract. Hinawakan niya ito at mainam niyang binasa ang mga pangalan nila ni Mari.
Name of Husband: Clarence Sinclair
Maiden Name of Wife: Marigold Harrington
Bumuntong-hininga si Clarence dahil hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Pirmado niya ang nakalagay sa kontrata at notarized pa ng lawyer.
“Haaay. I don’t understand, Jacob,” aniya nang ilagay muli sa mesa ang dokumento.
Bumuga muli ng hangin si Jacob at napasandal na lang siya sa upuan.
“Clarence, basahin mo ang date of marriage niyo ni Mari. That was six years ago.”
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Clarence at agad niyang binasa ang date of marriage dito.
Date of Marriage: July 27, 2017
“Akalain mo ‘yon? Six years na kayong kasal ni Mari,” natatawang sabi ni Jacob.
Ilang sandali pa ay natigilan si Clarence nang bigla na lang niya naalala no’ng gabing nakasama niya si Mari sa club.
Wait a minute. Was she the one I was with that night?
Napasandal si Clarence nang ma-realize niya ang pagkakamaling ‘yon.
“What have I done?”