Katulad ng napagkasunduan, gumawa na rin sila ng Rules number 2 hanggang rules number six. Ang tatlo doon ay sa kanya at ang another tatlo ay kay Apollo. Dapat mapag-isipan niyang mabuti ang mga rules na gagawin niya, hindi pwedeng dehado siya sa lahat. Rule number two, hindi ito mangingialam sa personal niyang buhay. Sa mga nais niyang gawin, puntahan, lalo na sa mga hilig niya. Kailangang maging malaya pa rin siya, hindi iyong parang bawat galaw niya ang pupunain nito. Rule number three, kay Apollo ito. Nakasaad doon na, sa tuwing nangangailangan ito ng s*x, magpapaubaya siya dito at bawal tumanggi. Iyon dawang pinakamahalagang ginagawa ng asawang babae kaya dapat lamang daw na palagi niya itong pagbigyan. Medyo tagilid siya sa bagay na iyon dahil mukhang kapag hindi niya iyon

