“A-Ano iyon Babe?” Nakamulagat na tanong ni Apollo sa kanyang asawa sa sobrang nagulat siya dahil sa ginawa nitong iyon. Ipagtatanggol na sana niya ito dahil nga mukhang sasaktan na ito ng lalaki pero hindi niya akalain na uunahan pa siya nito. Para bang mas magaling pa itong makipaglaban sa kanya. Sa totoo lang wala siyang alam sa martial arts dadaanin lamang niya sana sa p*********i at sa laki ng kanyang katawan. Pero inunahan ba naman siya ni Honey, hindi talaga ni akalain na gano'n ang gagawin nito. Bugbog sarado ang lalaki, duguan ang mukha niyon at putok ang labi. Hindi aakalain na isang babae lamang ang may gawa niyon sa lalaking iyon. Halos kapantay lamang ng balikat ng walang hiyang lalaking iyon ang kanyang asawa, pero sa bilis kumilos ni Honey ay masasabi niyang may ala

