“Whoa ngayon lang ako nabusog ng ganon.” masayang turan ni Apollo habang pabalik sila sa kanilang cottage. “Bakit naman, imposibleng ginugutom ka sa inyo?” wika naman niya dito. “Hindi naman, ang ibig kong sabihin dati kasi hindi talaga ako kumakain ng mga ganoong klaseng pagkain. Ang sarap pala, mag-request nga ako kay Manang ng ganong mga pagakain. Para pagbalik natin sa Manila makapag-bonding tayo sa terrace.” wika pa nito, tsaka inilagay lahat ng kanilang pinamili sa loob. Sabay upo nito sa duyan. “Uhmm.. mas bet ko kung tayong dalawa ang magluluto niyon sa day off mo my Baby.” wika niya, pero sarcastic ang dating ng pagtawag niya ditong baby. Bigla itong napaahon sa duyan at agad siyang nilapitan. “Heeyy, tinawag mo akong baby?” malawak ang pagkakangiting tanong nito sa ka

