“Kuya Apollo! Nasaan ka ba ha! Kanina pa ako dito eh! Palayasin mo na nga ang mga walang kwenta mong tauhan! Ang kakapal ng mukha ng mga ito eh!” Narinig na iyan galit na sigaw ng babae. Lalo siyang nanggalaiti sa galit at para bang pinapalabas nito na kailangan niyang sumunod agad at puntahan agad ito. Ngayon lang niya na-realize kung gaano pala ito ka-bossy sa kanya. Ayaw pa sana niya itong harapin dahil mainit pa ang kanyang ulo, pero dahil sa nanggugulo na ito at nakakabulahaw na ito ng mga kapitbahay. Kailangan na niya itong harapin at ipamukha dito na tapos na ang pagiging tang* niya dito. “Manang ako na po ang bahala, sabihan ninyo na lamang din po si Manong Juan na papasukin ang babaeng iyon!” Kuyom ang kamaong utos niya sa ginang. Agad naman tumalima ang kasambahay pero

