Chapter 77 CLARISSE’S POV Pinunasan niya ang daplis ng luha sa kanyang mga mata, kahit anong pag punas niya doon tumutulo pa rin. Lintik naman oh! Bakit hindi ka pa tumigil sa pag iyak Clarisse? Huwag kang umiyak, tama na. Pagpapa-sunod ko sa sarili ko ngunit kahit anong pag pipigil ko, hindi ko makontrol eh. Napapa-iyak pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako. Akala ko totoo sila sa akin. Akala ko mahal nila ako, pero bakit ganito naman ang ginawa nila sa akin? Ano bang nagawa kong mali? Ramdam ko ang pamumula at pag hahapdi ng aking mga mata sa walang tigil na pag iyak. Kahit dektahan ko ang sarili na huwag umiyak at itigil itong nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko sa ilang oras na pag lalakad, pero mas masakit pa rin ang puso ko. Tumingin ako

