Chapter 13

2792 Words
CHAPTER 13 CLARISSE'S POV "Betina," iyan na lang ang nasambit ko. Naka cross-arms siya sa harapan ko at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na na animo'y sinusukat ako sa matalim na pag titig niya sa akin. "You must be, Clarisse right?" nilapit niya pa ang sarili niya sa akin, tumigil na lang siya sa harapan ko. "Maganda ka pala pero hindi kagandahan, kagaya ng inaasahan ko." Puno ng pang iinsulto niyang tinig na bumigat na lang ang pag hingga ko. Kumalma ka, Clarisse. Kumalma ka lang. Huwag mong patulan ang babaeng iyan. Pag papasunod ko na lang sa sarili ko. Lihim ko na lang pinag masdan si Betina, korteng puso ang kanyang mukha, bilugang mga mata, matangos na ilong at mayron siyang kulay brown na buhok na hanggang bawang ang haba at bagsak na bagsak. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan at ang kanyang kutis naman kay puti parang nyebe. Lumalabas ang natural na kagandahan ni Betina na kahit hindi siya ma lagay ng make-up sa mukha lumalabas ang natural na kagandahan. Para siyang living doll kaya't marami na rin na mga kalalakihan sa Campus namin ang nag kakandarapa sakanya. Hindi lang siya maganda, matalino kundi si Betina rin ang Captain ng cheerleading squad kaya't hinahanggan siya ng lahat. Sikat na sikat si Betina dito sa Campus dahil, galing siya sa mayaman na angkan at ang kanyang mga magulang rin ang isa sa pinaka bigatin na investor dito sa St. Lucas University kaya’t ganun na lang ang takot nila na maka banga ito. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa straps ng bag ko at hindi na lang naalis ang matalim na titig na pinukulan niya sa akin na pinapatay ako sa matalim. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong hiningga at hinakbang ko na lang ang paa ko na dumaan sa gilid niya para lampasan siya, ngunit bago pa ako tuluyan na maka layo. Napa singhap na lang ako na marahas niyang hinawakan ang braso ko sabay hatak ng malakas paharap sakanya. “Tangina, huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!" matinis niya na lang na asik na lalo pang dumiin ang pag kakahawak niya sa braso ko na mapa ungol na lang ako nang mahina. “Ano ba!" singhal ko na lang at kay talim kong tinignan si Betina na ngayon umapoy na ang galit sa kanyang mga mata. "Ano bang problema mo?!" uyam ko na lang na asik at hinatak ko na lang na kay lakas na maka wala sa kanyang pag kakahawak subalit hindi niya pa rin binibitawan. Pilit akong nag pupumiglas at hinahatak ang sarili ko palayo sakanya subalit lalo lamang dumidiin ang pag kahawak niya sa braso ko na kumulo na lang ang dugo ko sa galit. Ano bang problema niya? “Problema ko? Ikaw!" hinatak niya ako palapit kaya't napa subsob na lang ang katawan ko sakanya. Tumindi na lang ang tensyon sa panig naming dalawa na nag kakasukatan na kami ng matalim na titig na ayaw mag patalo. Aba, hinding-hindi ko rin siya aatrasan. “Masaya na kaming dalawa ni Luke pero pilit ka pa rin nang gugulo. Ano bang gusto mo? Bakit pilit ka pa rin nakikipag siksiksikan sa buhay namin ni Luke! Bakit umaasa ka pa rin bang babalikan ka niya? Stop dreaming sweetheart dahi hindi na mangyayari iyan!” Singhal niya na lang. Gumuhit na lang ang kirot sa aking mukha na lalo pang bumaon ang kuko niya sa laman ko na alam ko sa sarili ko na mag babakas iyon ng sugat pag katapos. “Bitawan mo nga ako! Ano ba!" pag pupumiglas ko na lang na tinig na mapa ungol na lang ako nang mahina lalo't lalo pang humigpit ang pag kakahawak niya sa akin. “Bitawan mo ako, kundi baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo!” Banta ko na lang na mahina subalit puno ng diin. Aba, pasalamat kana lang talaga at mabait ako ngayon kundi baka hindi kita matantya. “Bakit anong gagawin mo, huh? Sasaktan mo ako?” Hamon niya na lang na tinig, hindi na naalis ang matalim kong titig sakanya. “Aba, hindi kita aatrasan!” Inis kong hinatak ang sarili ko pabitaw sa kanyang pag kakahawak ngunit wala pa rin. “Huwag kanang mangarap pa Clarisse, hinding-hindi na babalik pa sa’yo si Luke kahit lumuha ka pa ng dugo. Hindi na siya babalik pa sa’yo dahil ikaw lang naman ang hindi tumupad sa pangako niyo sa isa’t-isa no’ng mag pakasal ka..” tuluyan nang nagimbal ang aking dibdib sa kanyang sinabi. “Oh bakit natamimi ka? Diba totoo naman? Hindi kana niya mahal pa Clarisse, dahil ikaw rin naman ang nang iwan sakanya kaya’t hindi mo naman siya masisisi kong bakit patuloy ka niyang tinutulak palayo... I’m warning you, stay away from Luke kong ayaw mong mag karoon tayo ng problema!” Sumilay na lang ang nakaka lokong ngisi sa kanyang labi at bago pa ako maka sagot na inis niyang binitawan ako. Mabuti na lang talaga nabalanse ko pa ang katawan ko na hindi matumba sa lakas nang ginawa niya. Tinignan ako ni Betina na kay talim sa huling pag kakataon, tumaas pa ang kaliwa niyang kilay bago hinakbang ang sarili paalis. Sinundan ko na lang ng tingin palayo si Betina at inis na lang ako napa suklay ng aking buhok gamit ang kanyang palad. STILL CLARISSE'S POV "Clarisse," ang pag tawag na lang sa akin ni Faye ang mag pabalik na lang sa malalim kong iniisip. "Huh?" iyan na lang ang naisagot ko. Naka tingin na lang sa akin ang kaibigan ko puno ng pag alala. Wala sa sariling napa sapo na lang ako ng aking mukha sabay pakawala ng malalim na buntong-hiningga. Ginala ko na lang ang mata ko sa paligid at kasalukuyan kaming naroon ni Faye sa Cafeteria at sabay na kumakain ng tanghalian. Pinag siklop ko na lang ang aking palad at sinandal ko ang siko ko sa lamesa na ngayon nabahiran ng pag aalala ang aking mga mata. Maririnig mo na lang talaga ang munting tawanan, ingay at kwentuhan ng ilang estudyante na naroon na kumakain. Hindi naman gaanong napuno ang Cafeteria kaya't ang ibang upuan doon bakante dahil ang iba sa mga estudyante naroon pa rin sa kani-kanilang mga klase. Kinagat ko na lang ng mariin ang aking ibabang labi at nag simula nang mabahala. Napukaw na lang ang atensyon ko na humawak na lang si Faye sa palad kong mag kadikit. "Okay ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali." Anito na lang na mapa tingin na lang ako sa kaibigan ko, na puno ng pag aalala kong paano niya ako tignan ngayon. Lumunok muna ako ng mariin ng laway at umayos ng pag kakaupo sa silya. “Hindi okay lang ako.” Alangan kong tinig. “Ubusin mo na ang kinakain mo at malapit na naman ang susunod natin na pasok." Pag papaalala niya na lang at sabay na tinusok niya ng tinidor na hawak niya ang ulam sabay subo. Ngumuya-nguya na siya sa harapan ko at pinag patuloy ang pag kain at napa tingin na lang ako sa kaibigan ko. "Faye, pwede bang pahiram ng cellphone?" "Sandali," binaba ni Faye bahagya ang tinidor na hawak niya sa pinggan at kinuha ang cellphone sa bulsa sabay abot sa akin kaya't nag mamadali naman akong kinuha iyon sakanya. Nanginginig na ang aking kamay na tinipa ang numero sa dial at sinimulan na tawagan. Nilapat ko na lang ang cellphone sa taenga ko at sunod ko na lang narinig ang patuloy na pag ring neto, na mag pabigat na lang sa aking nararamdaman. "Pick up the phone, Luke. Pick it up," taimtim ko na lang na dasal na marinig na lang ang pag ring no'n sa kabilang linya na mag palakas ng kalabog ng aking puso. Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan at sa bawat segundong lumilipas namumuhay ang pag asa sa aking puso na sasagutin niya ang tawag. Umaasa akong mag kakausap kaming dalawa. "Pick up the phone, Luke," aniya kong tinig na mag pahina na lang sa akin na marinig ang pag putol ng tawag. Nanginig na ang aking kamay na sinubukan na tawagan ang numero ni Luke sa pangalawang pag kakataon ngunit ganun pa rin. Patuloy lamang iyon na nag ri-ring sa kabilang linya na walang planong sagutin na mag pabigat na lang sa aking puso. Sagutin mo na Luke, please! Gusto kitang maka usap. Ayusin na natin ito. Naging emosyonal na ang aking mga mata na patuloy pa rin iyon na nag ri-ring na mag bigay nerbyos sa aking puso. Paulit-ulit kong tinatawagan si Luke at para na lang akong pinag bagsakan ng langit at lupa na kusa na lang marinig ang pag putol ng linya nang tawag. Nang hihina na binaba ko na lang ang cellphone na hawak ko at simulant na itext si Luke. Binuksan ko na ang conversation naming dalawa text message, mag pakirot na lang ng aking puso na wala man lang akong matanggap na text mula sakanya. Ini-scroll ko na lang ang conversation naming dalawa na mag pakirot ng aking dibdib na binabasa ang mga pinadala kong mensahe sakanya. Araw-araw ko siyang tinatawagaan at tinitext pero wala pa rin. Hindi niya ako sinasagot. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Uminit na lang ang aking mga mata na binasa ang huling mensahe na pinadala kay Luke kanina. Lalo pa akong nasaktan na nabasa niya na ang text message pero hindi niya man lang ako nireplyan. Ganito na lang ba Luke? Ayaw mo na ba talaga sa akin? Wala na ba talagang pag asa? Wala na ba talaga akong puwang sa puso mo? Gumilid na lang ang bakas ng luha sa aking mga mata at hindi ko maitago na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako. Pilit ko na siyang kinakalimutan at kahit na rin ang nararamdaman pero siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Tatlong araw na ang nakaka lipas pero napaka sariwa pa rin ng lahat n gala-ala at sakit, na hindi ko matanggap na tatapusin niya ang relasyon namin ng ganun-ganun lang. Hindi ko kayang ganito kami. From: 0915******* Nanginingin ang aking kamay na mag tipa ng text message sakanya. [Luke, sagutin mo ang tawag ko please.] [Mag usap tayong dalawa.] [Hindi ko na kaya ng ganito tayo. Hindi ko kaya. Kausapin mo na ako pakiusap]-sent. Luke seen. Lalo lamang bumibigat ang puso at nararamdaman ko kaya't nag tipa ako ng panibagong mensahe. [Ganito na lang ba talaga tayo? Ano ba kasing problema, Luke?] [Kausapin mo naman ako, nahihirapan na ako ng ganito.] Luke seen. [Alam kong mahal mo pa rin ako. Hindi ko pa rin maintindihan kong bakit sinasaktan mo ako ng ganito, Luke. Hindi ko alam kong bakit iniiwasan mo ako,pilit ko man intindihin ang lahat pero hindi ko alam kong bakit ginaganito mo ako. Mahal na mahal kita Luke, please kausapin mo na ako.] Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa bigat na naka patong sa aking dibdib. Hindi ko na kaya, hirap na hirap na ako. Luke seen. [Hihintayin kita sa dati nating tagpuan mamayang alas syete ng gabi. Kapag hindi ka talaga dumating tatanggapin kong wala na talaga tayo. Hihintayin kita doon Luke doon, alam kong darating ka. Alam kong mahal mo pa rin ako, mag hihintay ako sa'yo.] hanggang hindi ko na nakayanan kusa na lang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Luke seen. Napa tutop na lang ako sa aking bibig at dali-dali ko naman na pinunasan ang daplis ng luha sa aking mga mata. Maluha-luha kong inabot ang cellphone kay Faye, na malugod niya naman iyon na tinanggap. Puno ng pag aalala ang gumuhit sa mga mata ni Faye na binasa niya ang pinadala kong mensahe kay Luke. "Clarisse, gagawin mo talaga ito?" "Wala na akong ibang choice F-Faye," basag ko na lang na tinig. Wala eh. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Iyan na lang ang naisip kong paraan para mag kausap kaming dalawa ni Luke. Hindi ko kayang ganito kami, hindi ko kaya," tuminggala na lang ako, pinipigilan na bumuhos ang nag babadyang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. "Paano kong hindi siya darating? Paano na lang kong hindi dumating si Luk----" hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kanyang sinabi. "Darating siya Faye, darating siya," giit ko na lang dahil ayaw kong isipin na hindi siya darating. Ayaw kong isipin na wawakasan niya na talaga ang relasyon namin, hindi ko kaya iyon. Hindi ko kaya. “Huwag mo nang ituloy kong ano man ang binabalak mo Clarisse, ako ang natatakot sa'yo eh," nilapag niya ang cellphone na hawak niya sa lamesa. Gumuhit na lang ang matinding pag alala sa kanyang mga mata sa plano ko. “Paano kong mahuli kana naman muli? Paano na lang kong malaman ito ni Travis? Nag aalala ako sa’yo, Clarisse,” tinig niya na lang at hindi na ako kumibo pa. Bahala na. *** Napa yakap na lang ako sa aking sarili na umihip na lang ang malamig na simo'y ng hangin na dumapo sa aking balat. Ginala ko na lang ang mata ko sa paligid at kadiliman na ang sumalubong sa akin. Nasa likod ako ng parte ng palikuran ng Campus at kanina pa ako naka tayo roon. Tangi mo na lang makikita ang marami at mayayabong na mga puno sa paligis, mga upuan na mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan ng gabi na tanging maririnig mo na lang ang pagaspas ng dahon sa pag ihip ng hangin. Tinatanggay na lang ang aking uniforme at aking buhok sa bawat ihip ng hangin at taimtim na nag hihintay. Ako lang ang mag isa na naroon sa palikuran kong saan ang tagpuan namin ni Luke, malimit lamang ang nag pupunta doon na mga estudyante dahil na rin sa malayo na iyon. Hindi rin naman sa akin alintana ang kadiliman ng paligid, hindi naman ako naka ramdam ng takot sa aking sarili na ako lang ang mag isa doon dah mga may streetlight naman sa paligid ng Campus na mag bigay naman ng liwanag sa pwesto ko ngayon. Nag palinga-linga na lang ako sa paligid na animo'y may hini hintay at gumuhit na lang ang pagka bahala sa aking mga mata na hanggang nagyon wala pa rin siya. Asan kana, ba Luke? Hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan at sa bawat segundong lumilipas lalo lamang dinadaga ang aking dibdib sa takot lalo't hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang kahit ang anino niya. Naging malikot na ang aking mga mata na tumingin na lang sa relo, lalo lamang akong pinag hinaan na 7:12pm na ng gabi at alam ko sa sarili kong kanina pang alas syete natapos ang pasok ni Luke. Bakit hanggang ngayon, wala ka pa rin Luke? Asan kana ba? Namuo na ang matinding kaba sa aking dibdib na tahimik lamang nag hihintay. Huwag kang mabahala, Clarisse. Darating din si Luke. Pupunta siya rito. Siguro nalate lang siya dahil may pinuntahan lang siya saglit. Tama, ganun nga. Pag papalakas ko na lang sa aking sarili dahil hindi ko na maitago ang kaba at takot sa aking puso na namumuo na ng sandaling iyon na hanggang ngayon wa pa rin siya. Isang minuto. Dalawang minuto. Tatlong minuto. Limang minuto. At ang limang minuto na aking pag hihintay, naging trenta minuto pero wala pa rin. Wala akong Luke na nasilayan. Walang Luke na dumating. Pabalik-balik akong nag lakad at gumilid na ang bakas ng luha sa aking mga mata. Luke? Wala na ba talagang pag asa? Hindi kana ba talaga darating? Ayaw mo ba talaga sa akin? Mangiyak-ngiyak na ang aking mga mata at anumang segundo babagsak na ang anumang luha sa aking mga mata na wala pa rin si Luke. Bumigat na ang aking pag hingga na pinag lalaruan ko ang kamay ko para sa ganun mapakalma ko ang aking sarili. Sa bawat segundong nag daan kinakain lamang ng takot at pag hihina ang aking puso na baka hindi siya dumating pero, ayaw kong maniwala. Ayaw kong paniwalaan ang sarili kong iiwan niya ako. Darating siya. Babalikan niya ako. Mag kakaayos kaming dalawa. Gumilid na ang bakas ng luha sa aking mga mata at bumilis lamang ang kalabog ng puso ko na marinig ang mabigat na pag tigil ng pares ng paa sa likuran ko. “L-Luke.” Wala sa sarili kong tinig na gumuhit lamang ang saya at pag asa sa puso ko. Dumating siya. Alam kong babalikan niya ako. “Dumating ka ng——-“ ang matamis na ngiti sa aking labi bigla na lang napawi at napalitan ng pangamba at takot sa aking puso na makita ko ang malamig at nakakatakot niyang mga mata. Hindi. Hindi maari ito. Travis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD