"Ang bango naman," Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Loey, pababa ng hagdan, walang pang itaas at nakangiti pa papalapit sa akin. Napangiti ako habang nag niluluto ang tocino. Almusal namin. At mas lalo akong napangiti nang marmdaman ko ang yakap niya sa akin mula sa likod. Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang ginawa niya sa akin kagabi. Ginawa namin. "Goodmorning babe," bulong niya habang nakasiksik ang mukha sa aking leeg. Tinigil ko na ang pagluluto ko para maharap siya. Isinbit ko ang aking braso sa kanyang batok habang siya ay pumulupot sa aking beywang ng braso. "Goodmorning din," bati ko at agad niya akong pinatakan ng mabilis na halik sa labi. Naalala ko kung gaano kaiba ang ginawa naming paghalik ngayon kumpara sa kagabi. Na halos magpalit na ang m