Kahit hindi pa tapos ang dinner ay umalis na kami roon ni Loey. Wala nga akong kaalam- alam dahil ilang saglit lang pagka- alis nila Reyven at Sandra ay inaya na rin ako ni Loey umalis doon. At akala ko naman ay iuuwi niya ako sa apartment ko, hindi pala. Dahil sumakay lang kami sa elevator at tumigil muli sa unit na pinag dalhan niya sa akin noon. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko pagka- upo namin sa sofa niya. Nilapag niya rin sa arm rest ang kanina'y nasa braso niya na itim na sleeves. Tapos nun ay umupo siya sa tabi ko. "Dito muna tayo mag- papalipas ng gabi." sagot niya sa akin. Tumango ako at hindi na umangal pa. Pagod na rin kasi ako. Muli kong inilibot ang paningin sa paligid. Maganda talaga itong lugar ni Loey. At ang pinaka gusto ko ay yung may nakikita akong balcony.