Eighteen
"Date tayo bukas." biglang sabi ni Loey sa akin ng nasa harap na kami ng unit nila Lei. Nagpumilit kasi siyang ihatid ako. At wala naman akong nkikitang masama doon. Kay ngayon, nasa likod ko, habang nakayakap sa akin at nasa balikat ko ang ulo niya. Nakatagilid na ang ang aking ulo para lang amg karoon siya ng space.
"May pasok ako bukas.." sagot ko sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok. Napapapikit pa nga ako lalo na at pinapatakan niya ng mumunting halik ang aking leeg.
"After work, babe.." aniya at marahang dinakot ang aking pisngi paharap sa kanya bago nilapat ang kanyang labi.
Panibagong halik naman ang binibigay niya ngayon, halik na marahas. Ang bawat hagod ng mainit niyang labi sa akin ay nakakabaliw..
Mainit, malambot..at juicy'ng halik.. Bahagya akong napa-urong ng kagatin niya ang ibabang labi ko at sabay na ipinasok ang kanyang dila na malikot. Agad na nagbago ang pakiramdam ko dahil doon..parang...mas lalong uminit ang paligid. Napakapit na ako sa braso niya ng unti unti ay kinakapos na ako ng hininga dahil sa tagal ng paghalik niya,
"s**t?!"
Agad kong itinulak si Loey nang marinig 'yon.
Nakita kong si Lei 'yon.. may dalang supot at gulat na gulat na nasa may pintuan.
"Lei.." hinihingal pa na sabi ko. Tinignan ko si Loey na nakatingin pala sa akin. "Umuwi ka na.." tulak ko sa kanya. Tinanggal ko na rin ang kamay niyang nasa beywang ko pa rin.
Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago ngumiti at mabilis akong pinatakan ng halik sa labi. Mabilis kos iyang tinulak dahil doon. Really?! Hindi ba siya aware na ansa harapan namin ngayon si Lei?
"Alright babe, see you tommorrow." sabi niya bago humarap kay Lei at binati ito.
Napalunok ako ng matindi habang pinapanood siyang hintayin ang elevator. Shet? Alam kong nasa harap pa rin si Lei pero wala.. Ako din nagulat! Kumaway pa si Loey bago pumasok ng elevator.
"Maharot ka!" ani Lei sa akin at hinila ang iilang strands ng buhok ko papasok ng unit niya.
Pinalo ko ang kamay niya at maayos na pumasok. "Lei nga! Magtapon ka na ng basura!" tingin ko doon sa supot na hawak.
"Manahimik ka!" sigaw niya sa akin. Yun siguro ang dahilan kung bakit nakiya kong lumabas si Shiela sa kwarto niya, lakas ng bibig ni Lei. "Pwede kong itapon bukas ang basurang 'yan! Pero kailangan mo muna ipaliwanag sa akinyung nakita ko!"
"Ano bang nakita mo?" si Shiela na lumapit na sa amin. Halata sa mukha niya na nagising lang soya dahil sa ingay ni Lei.
"Yung kaibigan mo, nakikipaglapalapan sa harap ng unit! At hulaan mo kung sino yung kahalikan niya, daliaan mo Shiela, hulaan mo?!" napairap ako sa ka-oeyan ni Lei. Tumalikod na ako at umupo sa sofa.
"Hoy, huwag mo akong talikuran!" si Lei na pumunta na rin sa kabilang sofa.
"Kumalma ka nga, Lei." ani ni Shiela at umupo na rim sa harap namin. "Si Loey ba ang kasama mo?"
Tinignan ko si Shiela. Alam ko naman na alam na niya. Tingin pa lang niya kanina, kahit hindi niya sabihin, may ideya na siya tungkol sa amin ni Loey. Wala naman ng rason na itago pa, alam na ni Shiela, tapos nakita pa kami ni Lei.
"Oo-"
"Tumpak!" biglang hiyaw ni Lei. Tinignan ko na lang ang kaibigan ko. "Jusko, kung nakita mo lang kung paano kainin ni Attorney yung labi ng kaibigan mo, sinasabi ko sayo, grabe, hayok na hayok-"
"Tumahimik ka nga , Lei." ani ni Shiela at sumandal na sa headrest ng sofa at nanatili akong pinapanood. "Pero may long -time girlfriend si Tito Loey,"
"Ano ba, ang awkward naman, jowa ng kaibigan mo tapos tatawagin mong tito,"
"Hindi ba niya sinabi sayo 'yon?" patuloy ni Shiela at hindi pinansin ang sinabi ni Lei.
"Sa boracay pa lang sinabi na niya 'yon," sagot ko. "At sinabi niya na hiwalay na sila 5 months ago,"
"Okay. Nakapag usap na pala kayo, basta, mag ingat ka lang, Kiwi." payo ni Shiela at nginitian pa ako.
Tumango ako at ngumiti din.
"Naks, may boyfriend na!" pang aasar ni Lei sa akin. "Pero, pucha! Hindi ko pa rin makalimutan yung paraan ng pag halik sayo ni Loey!"
"Lei, ano ba? Privacy na nila 'yon, huwag mo na ngang banggitin pa-"
"Privacy? Eh sa labas sila nag halikan, ang daming cctv sa labas ng unit!" rebat ni Lei. "Para silang nag gagawa ng kissing scene kung maka pikit, jusko, bakit kasi wala akong jowa?!"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maaawa. Napaka lokaret nitong babae na 'to. "Bakit, nasaan na ba si Conrad?" tanong ko ng maalala yung lalaking ikinukwento niya noon sa boracay.
Napapalakpak pa siya pag kasabi ko. "Pinaalala mo pa!" aniya. "Ewan ko doon, tinikman lang ako, pag tapos hindi na nag paramdam."
"Pamigay ka kasi," side comment ni Shiela na natatawa na rin.
"Hindi no! Ewan ko ba, wala pa kaming 5 minutes na nag momol pero umalis na siya agad. Sayang, ang hot pa naman niya, lapad ng balikat!"
"But i just want to say," ani muli ni Shiela na sa akin nakatingin. "Hindi maganda yung nakipag One night stand ka ha.. That's very dangerous, Kiwi."
Tumango ako. Dahil alam ko naman 'yon. Mali talaga, wala ng paliwanag pa, at wala akong balak ipagtanggol o mag paliwanag pa dahil mali naman talaga 'yong nagawa kong iyon.
Pagkatapos ng usapan namin ay pumasok na kami sa sari- sariling kwarto. Ako naman ay tumabi na sa kapatid kong tulog na tulog. Hinawakan ko ang mapayat niyang braso. Finally.. Makakapag aral na si Poleng sa totoong eskwelahan. And finally din, mararanasan na niyang maging bata.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong rason ni Mama at tito mar, kung balit ayaw niyang papasukin si Poleng sa totoong school para makakilala siya ng kapwa niya bata, pero kung anuman 'yon, wala akong pake, sana lang mabulok na siya sa kulungan.
Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Mama ay dinala ko sa Poleng sa kanya. Idinaan ko muna si Poleng sa Macaraig Hospital bago pumasok sa trabaho.
Tulad ng mga nakasanayang araw, tulad ng dati, nag trabaho..usual lang. Wala namang bago doon, trabaho lang. Gusto ko ngang kutusan ang sarili ko, kakapasok ko lang ng trabaho pero gusto ko na agad umuwi.
Sa totoo lang kasi ay excited ako. Ngayon na kasi lalabas si papa, at gusto ko siyang salubungin, pero hindi naman ako makaalis sa trabaho ko. At kanina rin kasi ay tinawagana ko ni Loey, na siya na lang daw ang magdadala kay papa kina mama, dahil nga may mga papel pa daw na dapat asikasuhin. Kaya nga kahit umuuosok na ang pwet ko kakahintay ng ala sais ay tinitiis ko, dahil alam ko mamaya, makikita ko an si Papa. At ayun ang pinaka magandang reward sa lahat.
Pakiramdam ko tatlong araw na ang lumipas bago mag ala sais ng hapon. Halos gusto ko ng ibato yung computer sa harap ko lalo pa noonng nag ala sais na... Hindi ko hinintay sila Lei at Shiela, agad akong lumabas ng office at bumaba. Tumayo sa harap ng building namin at itetext ko na lang sila Lei kapag nasa jeep na ako. Sabihin na nauna na. At isa pa, nasabi ko naman na kagabi sa kanila na ngayong araw lalaya si papa.
"Babe," napaangat ako ng tingin.
Si Loey. Naka suit ang tie pa siya, mukhang kagagaling lang sa court o sa office niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako ay pinatakan niya ako ng halik sa labi. Mabilis lang iyon pero nabigla ako. Mabilis kong nilingon ang paligid kung may naktingin ba sa amin o may nakakita sa ginawa niya.. Salamat at wala naman.. Busy ang mga tao..
"Why?" tanong ni Loey. Nakita niya siguro ang naging reaksyon ko.
Umiling ako..
"Let's go," sabi niya at inakbayan ako.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ewan, pero naninibago ako sa kanya ngayon.. Hindi ko masabi kung saan.. sa lahat kasi. Parang ang bilis..ngayon ko lang na realized. Kakaiba ang mga kilos niya, ang pag trato niya sa akin. Sweet naman siya sa akin noong nasa boracay kami, pero kasi, nakahubad kami noon. Ngayon na may damit siya.. Nakakapanibago..pakiramdam ko, girlfriend niya talaga ako.
"Babe, you okay?" tanong niya ng hindi ako gumalaw.
Nginitian ko siya. "Wala.."
"Really babe, what's wrong?" tumaas na rin ang kilay niya.
Nag iwas na ako ng tingin. "Wala." sagot ko. "Pero kasi diba, ngayon lalabas si papa?" sabi ko pang iiba ng atensyon niya.
"That's why im here, babe." sabi niya at dumalas ang kamay mula balikat pababa sa kamay ko, pinisil niya 'yon. "Nasundo ko na ang papa mo at nasa ospital na siya ngayon kasama sila Tita."
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sa kanya nang mapag isa kami. Nakaupo kami ngayon sa dulo ng kwarto habang nakatanaw kina papa.
Mabilis kaming nakarating sa ospital, naabutan ko na ngang magkayap si mama at papa habang si Poleng ay tulog sa sofa. May lamesa pa nga sa gitna at maraming laman na pagkain, marahil ay nakakain na sila kay tulog na tulog na si Poleng.
Iyak ng iyak si papa sa akin ng makita ako. Kaya nga laking pasalamat ko kay Loey, dahil sa ginawa niya ngayon para sa pamilya ko.
"I have. But i own my time," sagot niya habang pinaglalaruan ang kamay ko.
Napangiti ako ng makitang hinalikan ni papa ang pisngi ni mama. Tulog na kasi ito, nagising lang yata para mahalikan lang si mama.
"Pwede ako mag tanong?"
"Ofcourse," sagot niya.
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Bakit bigla kang ganiyan sa akin?"
Nanliit ang mata niya bigla. "What do you mean, babe?"
"Ayan, ganiyan! Bigla kang naging sweet, at ngayon.. gusto mong maging boyfriend kita."
"I am your boyfriend." pagtatama niya sa akin. Inirapan ko siya. "When we were in boracay, hindi ba ako sweet?"
Hindi ako sumagot.
"Gusto na kita mula pa nang sa boracay tayo, but then.. i thought masyadong mabilis at hindi ka maniniwala sa akin kapag sinabi ko sayo. Or worst, matakot ka pa sa akin kaya pinigilan ko ang sarili ko. But i guess, cupid did his assignment and i saw you again, and that's a cue for me to pursue you."
Nakatingin lang ako sa kanya. Really? So hindi lang pala ako ang attracted sa nangyari sa amin. Palihim akong napangiti. Hmm..mutual pala..
"Why'd you ask? Ayaw mo ba sa akin?" tanong niya. Umangat ako sa upuan ko at nilagay ang braso sa baliakt niya. Mahina ko siyang tinapik sa pisngi at lumapit pa sa kanya, sinilip ko pa sila papa para siguradong hindi nila makikita ang kaharutan ko.
"Gustong gusto kita, hindi pa ba obvious nung nasa boracay tayo?" pinatakan ko pa siya ng halik sa pisngi.
Nabalinga ng tingin ko nang gumalawa ng adams apple niya.
Sexy..
"Kung wala lang ang mga magulang mo dito, kanina ka pa umuungol." aniya at hinapit ako para makaupo sa kandungan niya. Nakagat ko ang labi ko ng maramdam ko ang matigas na parte niya sa aking pwitan.
Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang tenga at pinag laruan ito. Tinagilid ko ang aking ulo para maharap siya.
"Huwag puro salita, attorney.." bulong ko.
"Damn, babe! What the fuc-"
"Kristine.."
"s**t. Po?!" mabilis kong sagot kahit pa halos parehas kaming napatalon ni Loey dahil sa pag tawag na 'yon.
Lumapit agad ako sa kay mama. "Bakit ma?"
"Umuwi na kayo, isama niyo na si Poleng para makatulog ng maayos. Ang sabi naman ng doctor ay makakalabas na ako bukas ng umaga."
"Sige po ma," sagot ko.
"Ako na kay Poleng," si Loey na nasa likuran ko.
"Sige ma, alis na po kami." paalam ko at yuamakap pa sa kanila ni papa. Nauna na kasing lumabas si Loey karga si Poleng.
"Kiwi," tawag niya. Nilingon ko siya ulit.
"Po?"
"Ang bataan, ingatan."
Nginitian ko lang si mama at tumalikod na.
Kung alam niya lang... baka napaluhod na niya ako sa asin.