6

1702 Words
SIX "Babalik muna ako sa suite namin, baka hinahanap na ako nila Shiela," sabi ko ng matapos na akong mag bihis. Kanina kasi ay nakatanggap ako ng text mula kay Lei, hinahanap na daw ako ni Shiela. Dahil nga naman anong oras pa ako napunta dito sa kay Loey? 5? 6? Di ko na maalala, tapos ngayong ten o'clock lang ako makakabalik. "Can you just text her instead? Dito ka na matulog," aniya at nag uumpisa na namang lapangin ang leeg ko. Umiwas ako at pinalo ang kamay niyang kanina pa naglalaro sa dibdib ko. Kanina pa 'to e, pakiramdam ko nga hindi na ito pantay dahil panay kanan lang ang ginagalaw niya. "Tumigil ka na, kanina pa e, mahapdi na nga yung ano ko." irap ko sa kanya. At dahil yun ang totoo, kain lang ang pahinga namin kanina. Nang makatapos kami sa cr ay nag tuloy iyon sa kama, hanggang sa makita ko sa bintana na nalampasan na kami ng dilim, at patuloy pa rin ang pag lapang niya sa akin. "You said im allowed to do everything to you.." bulong niya sa aking tenga na patuloy pa rim sa paglingkis sa akin. Pinalo ko siya sa hita at umayos ng upo paharap sa kanya. "Oo sinabi ko nga 'yon, pero wala ba akong karapatan mag pahinga? Siraulo ka, tinira mo na ako ng ilang oras, gusto mo pa ulit, magdamag? Abay gago ka pala!" "Fine!" sabi niya at tumigil sa pag haplos sa akin. "Gusto ko lang sulitin ang 3 nights." Inirapan ko siya at tumayo na. "Kung gusto mo talaga masulit ang three nights, pagpahingahin mo ako, bobo ka! Kung titirahin mo ulit ako ngayon magdamag baka din ako makalakad at baka lumabas na rin ang atay ko kakabayo mo-" "Kiwi, yung mga salita mo naman!" naiiritang sabi niya. Inirapan ko siya. "Ganyan ka ba talaga mag salita?" "Oo bakit may reklamo ka?" tanong ko "Napaka bulgar ng mga words mo," bulong niya at tumayo. "Oh sige na, ihahatid kita sa room mo, magbibihis lang ako." "Hindi na, kaya ko naman mag lakad e, bye!" sabi ko at walang salita na naglakad sa pinto. "Where's my kiss?" nakasimangot na pahabol niya. Huminto ako sa may pintuan at itinaas ang gitnang daliri sa kanya. "Kiss mo itlog mo!" "Kiwi!" rinig kong hiyaw niya bago ko tuluyang naisara ang pinto. Para akong baliw na humahalakhak sa gitna ng pasilyo ng hotel. Lalo pa at naaalala ko kung paano mamula ang mukha kanina ng mag salita ako. Para siyang na culture shock sa mga pinagsasasabi ko, napaka siraulo nun. Napatigil lang ako ng bahagyang humapdi ang gitnang katawan ko. Naiiling na sumandal ako sa dingding ng elevator. "Bwisit na lalaki 'yun.." bulong ko at huminga ng malalim, umasa na sa paghinga ko ng malalim ay mawala ang kaunting kirot. Isa din 'yon sa mga nahing problema namin ni Lei at Shiela nung nag uumpisa pa lang ang pag kakaibigan namin. Problema nila ang pananalita ko. Dahil nga daw bulgar masyado, si Lei kasi ay bulgar din naman mag salita, pero mas bulgar daw ako ng tatlong beses. Pero kasi, wala naman akong nakikitang masama sa pag sasabi kung ano ang nasa isip. Like, hindi naman ako yung tipo na nag sasalita ng basta masakit na salita sa kapwa, hindi ganon. Nag iisip naman ako bago mag bunganga. Pagpasok ko sa suite namin ay wala akong nakitang tao, malinis. Ngunit may naririnig akong bumubuhos na tubig. Siguro ay naliligo si Lei. Dumiretso ako sa maleta ko at kumuha ng tshirt at nag palit ng damit, pagtapos nun ay humiga ako sa kama. Shet. Pakiramdam ko talaga nabugbog ang katawan ko, ganito pala ang epekto ng s*x. Masarap nga, pero ang sakit naman sa katawan. "Oh? Nandito ka na pala?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Lei. Nakatapis ng tuwalya at kalalabas lang ng cr. "Kanina ka pa?" tanong ulit niya. Tamad akong umupo at sumandal sa magkapatong na unan. "Hindi naman." sagot ko. Tumango siya at nag umpisa ng magbihis. "Kumain ka na ba?" tanong niya. "Oo." sagot ko. Nagtaka naman ako ng mag suot siya ng sphagetti top at jeans. "Aalis ka?" Napahinto siya sa pag susuot ng hikaw. "Ay, oo. Mag babar kami nung kaibigan ko, yung kanina, naalala mo?" Tumango ako. "Gusto mo bang sumama? Teka, san ka ba galing? Hinahanap ka ni Shiela kanina." "Wala. Nawili lang ako sa pagpipicture sa lugar, hindi ko namalayan ang oras." liar. "Ah, so..sama ka ba?" Umiling ako. "Hindi na. Medyo pagod na rin kasi ako, tutulog na lang ako." "Okay. Matulog ka na lang at mukha ngang pagod ka." aniya. Gosh. Kung alam niya lang kung paano ko nakuha ang pagod na nararamdaman ko ngayon, siguro kanina pa niya ako sinabunutan. "At itext mo si Shiela, nag aalala yun." "Natwagan ko na siya kanina." sabi ko. Kanina habang nasa elevator ay tumawag ako sa kanya at sinabing nasa suite na ako, at nag sabi naman siyang okay, at sinabi rin na nasa labas daw sila ngayon ni Jervy at nanonood ng fire dance. Ilang sandali pang nag ayos si Lei bago nagpaalam sa akin na aalis. Ako naman ay hindi na rin kinaya napigilan pa ang antok. Hindi ko ala kung anong oras na 'yon pero nagising na lang ako dahil sa maingay na nag uusap. Pikit ang isang mata na sinilip kung sino 'yon. Kahit malabo pa ay nakita kong si Lei at Shiela 'yon, nag uusap. Pinilit kong maupo kahit antok pa. "Anong nangyayari?" tanong ko. Unang tumingin sa akin si Shiela na nag cecellphone samantalang si Lei ay nag iimpake. "May emergency daw kasi sa office, pinapauwi kami ni Lei." sagot niya at binaba ang cellphone. Kunot ang noo na tumayo ako. "Anong emergency naman?" Tumigil si Lei at galit na tumingin sa amin ni Shiela. "Yung puking inang supervisor namin nag nakaw daw ng pitong milyon! Ang putang ina, ginamit pa kami para sa kahayupan niya!" nanggigil na sigaw ni Lei tsaka bumalik sa pag aayos ng gamit. Binalingan ko si Shiela. "Kailangan namin bumalik sa city para ayusin 'yon. Iniisip kasi ng office na kasabwat ang buong department namin, kaya kailangan talaga namin bumalik. Ikaw ba hindi ka pa tinitext ng supervisor mo?" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinignan 'yon. Mayroong mga chat sa gc namin ngunit puro chismis lang naman. Kalat na sa gc namin ang nangyari sa accounting department. Pero wala namang message na pinapabalik kami. Yung mga supervisor lang ng department namin ang kailangan. "Wa..wala naman.." dahan dahan kong binaba ang cellphone ko sa kama. "Sabi supervisor lang daw ang kailangan at iilang I.T." "Right." ani Shiela. "Pero..kung uuwi kayo, mag isa ako dito?" tanong ko ng marealize na maiiwan ako dito mag isa kung uuwi sila. "Sorry Kiwi. Emergency kasi talaga. Enjoyin mo na lang ang natitirang 2 days dito, sayang!" si Lei na sa tingin ko ay masisira na ang bag sa sobrang gigil. "Putik! Alam ba nila kung magkano ang ginastos ko para lang sa trip na 'to? Putang ina lang! Pag natapos 'tong problema na 'to, mag li-leave talaga ako ng isang buwan! Walang makakapigil sa akin!" "Kumalma ka, Lei." sabi ko at hinaplos ang dede niya. Ilang saglit naman ay nagtawanan na kaming tatlo. Ganun kasi palagi ang ginagawa ko kapag nagagalit si Lei, tapos, ibig sabihin lang noon, ay kailangan niyang kumalma. Naging biruan na namin 'yon. Bastos man sa paningin ng iba, pero, sino bang may pake sa kanila? Wala. "Oh sige na." si Lei na hinalikan ko sa pisngi. "Mauuna na kami, at sinasabi ko sayong malandi ka, stop na sa pag kikiyeme ha? Tigilan ang kalandian. Mag eenjoy ka naman kahit mag isa ka lang." Inirapan ko siya. "Isa lang naman siya." sabi ko na ikinatigil nilang dalawa. "Depungal ka!" "Malandi ka!" Sabay na sigaw nila sa akin. Pinagtawanan ko na lang sila at umupo sa kama ko. Nakikita ko kung paano nalulukot ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. "Hoy babae ka!" si Lei na sususgurin ako. "Mag ingat ka no! Baka mamaya kung ano mangyari sayo! Mag book na na nga ng ticket! Sumabay ka na sa amin!" aniya. Umiling ako. "Ayoko. Isa pa, dalawang gabi na lang ako dito, sayang ang pera kung hindi ko lulubusin!" sabi ko. Isa pa, hindi ganon kadali para sa akin ang makapag ipon ng pera pangpunta ng boracay no. Ilang buwan ko itong pinag ipunan, hindi pwedeng hindi ko enjoyin ito. "Kristine Louise, behave okay?" si Shiela ng ihatid ko na sila sa boat na sasakyan nila. "Oo na. Binibiro ko lang naman kayo kanina, iniinggit ko lang si Lei." sabi ko at tinapik ang balikat niya. Tinignan ko si Lei na iritado pa rin habang bitbit ang kulay dilaw niyang maleta. "Kailangan mo ng tulong?" sabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman tumulong pero sinimangutan niya ako. "Tigilan mo ako Kiwi, baka murahin kita!" sigaw niya. "Bakit ka ba galit?!" sigaw ko rin. Hinwakan naman ako ni Shiela. Alam ko kung anong ibig sabihin nun. Dapat tumigil na. "Inaasar ko lang." bulong ko. At binigay na ang isang bag na pinahawak ni Lei kanina. Inalalayan naman siya ni Jervy ng abutin 'yon. Nag umpisa na silang umalis ay patuloy kong sinundan ang boat na sinasakyan nila. Napahinga ako ng malalim. Ang buong akala ko pa naman ay sabay kaming uuwi ng manila. Pero kahayupan happen. Siraulo kasi talaga yung supervisor ng accounting. Siya lang itong nangnakaw pero damay ang buong department. Nang hindi ko na makita ang boat ay tsaka ako naglakad pabalik sa hotel. Pero hindi pa ako nakakalayo sa dagat ay may napansin akong umahon na lalaki. Pamilyar. Walang damit pang itaas at napaka landi kung maglakad. Tumaas ang kilay ko. Ilang araw ko pa lang nakilala ang lalaking ito, alam ko na agad na malandi siya. Lalo pa ngayon na may lumapit sa kanyang matangkad na babae at hinalikan siya sa pisngi. Nalukot ang mukha ko ng kunwaring nagulat pa siya sa pag halik sa kanya nung babae. Umiling ako, ang pangit niya maging artista. Umirap ako sa hangin. Well, ano pa nga ba aasahan ko sa tulad niya? Flirt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD