Napamulat si Denise nang makaramdam siya ng matinding sakit na tumama sa kaniyang sikmura, sabay ubo at suka ng dugo. "Arckk! Ugh!" She grunted as the pain scratched her insides. Hindi iyon natapos agad dahil sunod-sunod na umatake ang sakit sa kaniyang tiyan. Para siyang sinuntok ng paulit-ulit. Pakiramdam niya ay pati laman-loob niya ay maisusuka na niya. "Mabuti naman at gising ka na, impostora." Wika ng isang boses na kumakailan lang niya narinig. It was mocking her as if she's that most disgusted woman in humanity. Nakaupo siya sa isang silya, nakagapos ang mga kamay sa likuran habang ang mga paa ay nakagapos rin sa paanan ng silya. May nag-iisang ilaw din na nakatunghay sa ibabaw niya, sa mismong gitna ng silid. "You sleep too well, you know?" At humalakhak ang lalake. Napa