Lumabas si Alexus mula sa pagtatago at ang ekspertong ninja ay nakita siyang lumabas, at walang pasubiling pimagbabato ng mga matatalim na shurikin. This time, natamaan si Alexus sa kaniyang braso at hita. Daplis lang ang sa kaniyang braso, pero sa kaniyang hita ay tumaob doon ang matulis na shurikin, dahilan para umagos ang makapal at preskong dugo mula sa malaking sugat. The smoke was killing him, kaya kinailangan niyang umalis doon. Ngunit, patuloy na kumakalat ang usok sa loob ng underground kaya naisip ni Alexus na hubarin ang shirt niya at ipangtakip sa kaniyang ilong tiyaka itinali sa likuran ng kaniyang ulo. Nang sa gano'n ay hindi siya makakalanghap ng usok na paniguradong papatay sa baga niya. And yes, it was a poisonous smoke grenade that will kill your organs unnoticed. M