Walang nabuong plano, at wala ring nangyaring misyon. No'ng gabing 'yun ay naiwan si Alexus na nagiisa sa kaniyang bahay. Walang imik na nagsilisan ang mga kaibigan niya, dahil kahit hindi sabihin ng mga ito ay tahimik ang mga ito na nagluluksa at sinisi siya sa kailaliman ng mga puso ng mga ito. Nagawa man niyang may maayos sa gabing 'yun ay may nagawa naman siyang nawasak. Tama naman kasi si Tres. It was his fault. Kung sana lang ay hinayaan niyang dinukot siya ni Anderson na Mafia Lord sa norte ay sana buhay pa si Lewis. Nagawa man niyang maipaghiganti ang pagkamatay ni Lewis at binawian ng buhay ang mismong la familia ni Anderson at si Anderson ay hindi pa rin nawala ang sakit sa kaniyang puso dala ng pangyayaring iyon. Papaano niya nagawang maging sakim sa gabing iyon? Siya lang