CHAPTER 2

379 Words
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa lalaking nasa tabi ko. Oh god, bakit ba napakagwapo ng isang ito? "Done checking on me?" Ngisi niya. Napasimangot ako mula sa aking kinauupuan at itinuloy ang pagkain ng french fries. "Yssa, tara na." Bulong ko sa kaibigan kong napapatigagal na. "Wait lang girl! Magkakilala kayo? Omg, pakilala mo ako." Mahinang bulong niya sa tabi ko. Kinuha ko ang french fries na nasa mesa at tumayo na, kaya sumabay na rin si Yssa. "Girl naman! Bakit ba ang isnob mo kay pogi? He's gwapo pa naman." Sabi ni Yssa sa tabi ko habang sabay kaming naglalakad pabalik sa klase. "Lady." Saglit na napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang napakapamilyar na boses ng troy na iyon sa likod namin ni Yssa. "Girl! Tawag ka yata." Sambit ni Yssa na nasa gilid ko. Umiling naman ako at mabilis na ipinagpatuloy ang paglalakad. "Girl! Wait lang kaloka ka!" "Kasi naman napakabagal mo." "Bakit ba kasi choosy ka pa sa boylet na iyon? Ang gwapo kaya, marami ngang nagpapapicture kanina sa kanya eh." "I don't care." Sabi ko. Kasabay nang pagpasok ng teacher namin sa Rizal. Sa kalagitnaan ng klase may pumasok na napakapamilyar na lalaki. "I'm sorry, i'm late." Ani Troy at umupo na sa tabi ko sa kaliwa. Oh my god! Nakalimutan ko, na wala nga pala akong katabi sa kaliwa ko. "Akala mo ba makakalimutan kita?" Napatigil ako sinabi ng Troy na ito sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagngsi niya. "Sinira mo ang araw ko kSama ng girlfriend ko, alam mo ba 'yon?" Pabulong na sabi niya ngunit salat na rin para marinig ko ang sinabi niya. "A-Ano bang sinasabi mo diyan?!" Mahinang sabi ko rito. Muntik na akong mapasigaw nang bigla niyang halikan ang pisngi ko at oh my god, kitang-kita iyon ni Vince na ngayon ay nakatitig na sa aming dalawa ni Troy. Narinig ko ang pagngisi ni Troy sa tabi ko. Nagulat ako nang kunin ni Troy ang notebook ko na nasa mesa ko at tignan ang pangalan ko 'ron. "Reign Dela Cuesta." Mahinang basa niya sa pangalan ko. Kung wala lang siguro ang prof namin na nasa harap ay baka nasapak ko na ang gwapong ito. Ano kamo?! Did i just say na gwapo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD