Breaktime ngayon at kanina ko pa hindi maka-usap ng maayos si Troy. Kanina pa siya tulala. Nalaman ko kasi na ilang araw ng hindi umuuwi si Travis sa kanila at hindi rin siya nagrereport sa trabaho niya. Sa pagkakaalam ko nga ay nawawala rin ang kasambahay nila na si Kara. Ilang araw na ang nakalilipas pero wala pa rin silang nababalitaan, o natutukoy kung nasaan ang kapatid at kasambahay nila. "Kumain ka muna..." Sabi ko at inilahad sa kanya ang baunan ko na naglalaman ng pagkain na dala ko. Pinagluto ko kasi siya kanina, "Wala pa rin kaming balita sa kapatid ko.." Aniya, mukha siyang wala sa sarili at tila problemado. "Nag-aalala na ako sa kanya.." Kahit ako, napapaisip ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi ap rin umuuwi ang kapatid niya. Malabo namang mabiktima ng summary executi