Chapter 12: I want you to fvck me

1750 Words
“SINO ho bang sadya natin dito, boss?” tanong ni Dennis nang huminto ang sasakyan sa pamilyar na bahay. Dito sila pumunta noon bago sila maaksidente sa dagat. Kinakabahan siya dahil baka makilala siya pero medyo malaki naman na ang pinagbago ng balat niya, lalo siyang naging tan. Hindi rin maayos ang buhok niya kaya mukha lang siyang simpleng tao. “Dumating si Bossing. Nagpapasundo.” “G-ganoon ho ba. D-dito lang po ako sa labas maghihintay.” Tumango naman ito sa kanya. Mabuti na lang at pumayag ito. Hindi pa man nagtagal ay nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa niya. Agad niyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Dana. Sinabi nitong nakausap na nito si Manang at gusto nitong masiguradong siya nga ang nagpapalikas sa mga ito. Kaya naman sinabihan niyang sumama sa kaibigan. Mabilis lang dahil dinig na niya ang boses ni Jericho na papalapit. “Nagkasalisihan yata tayo nila Bossing. Umalis na raw kanina pa.” “Nasaan po daw siya?” “Aba’y nauna na.” Natigilan siya nang marinig ang sagot nito. Nauna na? Why? Sino ba ang bisita nito na tinatawag nitong bossing? Nagpahuli si Dennis at pasimpleng nagtipa ng message sa mga kasamahan na nakatutok sa CCTV. Iyon ang gusto niyang malaman dahil si Sarah agad ang nasa isipan niya. Papasakay na sila ng speedboad nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone niya. Sinamantla niyang kausap ni Jericho ang driver ng sasakyan nila para basahin iyon. Napakuyom siya ng kamao nang mabasa ang reply. Kailangan na nilang makarating kaya lumapit siya sa dalawa. Ilang sandali lang ay pinaandar na iyon. Habang nasa biyahe sila ay hindi siya mapakali. Kabado siya sa madadatnan dahil sa nabasa. Hindi pwedeng kumilos ang mga kasamahan niya nang hindi niya nalalaman ang mismong kalagayan ng dalaga. Kailangan niya munang makarating doon. Kailangang nasa tabi siya nito. Ilang beses siyang nagpakawala ng hangin bago sumunod kay Jericho. Paakyat na sila noon. Nagkatinginan sila ni Jericho nang marinig ang pag-andar ng helicopter, kasunod niyon ang mabilis na takbo nito paakyat kaya sumunod din siya. “Si Bossing ba sakay no’n?” ani ni Jericho nang makarating sila sa taas. “Opo, Boss Jericho. At may binin siya kay Lito,” ani ng isang tauhan nito. “Nasaan siya?” “Binabantayan po si Ma’am.” Tumango ang boss nila at iginiya ang sarili papasok ng malaking bahay. Napakunot siya ng noo nang may marinig na sigaw mula sa taas. Mukhang narinig din ni Jericho kaya lakad-takbo itong pumunta sa hagdan para umakyat. Siyempre, nakasunod din siya. Inunahan pa nga niya ito nang marinig ang sigaw ulit ni Sarah. Sa pagkakataong ito, may kasama nang salitang tulong. Gulat na gulat si Lito nang sipain niya ang pintuan para bumukas. “Sh*t!” Mabilis ang kilos niya na nilapitan ang lalaking nagpulumilit na hubaran si Sarah. Hinila niya ang damit nito at pinaharap kay Jericho. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagyakap ni Sarah ng sarili. Sumuksok din ito sa gilid ng kama nito. Dinig niya rin ang hikbi nito. Halata rin ang panginginig. Walang sabi-sabing sinuntok ito ni Jericho. “Walang hiya ka! Uunahan mo pa si Dennis?! Paano kung mabuntis siya at kamukha mo ang ilalabas? Anong mangyayari sa atin? Huh? Nag-iisip ka bang sira ulo ka?” “B-boss, sorry. Naakit lang ako nang—” “Gago!” Sabay pukp0k ng ulo nito. Ang mga kamay ni Dennis noon ay nanginginig na rin sa galit. Mabuti na lang at nakatikim ito kay Jericho. “Ilabas ’yan!” utos ni Jericho sa isang tauhan nilang sumunod sa kanila. Walang imik na tumingin siya kay Sarh na patuloy pa rin sa pag-iyak. Pero ang nakaagaw ng atensyon niya ang unti-unting pamamawis nito. “Fvck?” aniya sa isipan. Mukhang umepekto na ang gamot. Kaya naman tumingin siya kay Jericho na noo’y poabala sa cellphone nito. Biglang may tumawag din kaya agad nitong sinagot. “Bossing,” anito. “Oho. Nagkasalisihan po tayo. Kakarating lang din ho namin.” Tumingin ito sa kanya. “Kasama ko ho. Kailangan niyo ho bang picturan ko? Ah, ‘wag na, boss? O, sige.” Kay Sarah naman ito tumingin. “Papa-set up ko na ho.” Mayamaya ay nagpaalam na ito sa kausap. Hinarap siya nito at inutusang sumampa sa kama. Marahil puno nang pagtataka ang nakarehistro sa kanya kaya nagsalita ito. “Hindi ito kasama sa trabaho mo, pero kailangan mong gawin.” “Ang alin ho?” Tinitigan siya nito. “Kailangan mong makipag-s*x kay Ma’am sa harap ng camera para makasigurong ginawa mo nga ang gusto ni Ma’am. Kailangang mabuntis mo siya bago matapos ang taon na ito.” “Huh?” tanging sambit niya. So, tama ang hinala niya? Pero bakit? “P-pero bakit ako?” wala sa sariling tanong niya. “Dahil gusto ni Ma’am, magandang lalaki gaya mo. At unang kita ko pa lang sa ‘yo, naisip ko na kung sino ang perfect para kay Ma’am Heidi. Perfect kang maging ama ng bata.” “P-paano kung may sakit ako?” aniya, sabay tingin kay Sarah na panay na ang haplos sa batok nito. Para na itong lasing dahil sa mga galaw nito. Nakita niya rin kung paano ito tumingin dahil sa lamlam ng mga mata nito. “Meron kang sakit?” Biglang nadismaya ito kaya parang gusto niyang magsisi. What if sa tauhan nito iutos ‘yon? Naiisip niya pa lang kumukulo na ang dugo niya. Oh, sh*t! No way! Kaya naman ayaw niya dahil sa ayaw niyang samantalahin ito. Helpless na nga ito tapos pagsamantalahan niya. Pero hindi siya pwedeng mawala sa tabi nito dahil “I mean hindi niyo ako kilala, tapos…” Sumulyap ulit siya kay Sarah na dinidikit na ang kamay sa kanyang braso niya. Ang init nito kaya napalunok siya. “Tapos ako ang napisil niyo? Hindi ba sugal iyon? Kawawa ang bata kapag nailuwal ni Ma’am.” “Naiintindihan kita. Pero may tiwala ako sa ‘yo. Kailangang maisagawa na ngayon dahil may taning kami mula kay Ma’am. Lahat tayo rito damay kapag hindi ito nangyari. Hindi lang tayo, pati ang pamilya natin. Gusto mo bang mangyari iyon? Pumunta na nga si Bossing, nakita mo naman, ‘di ba? Ibig sabihin, warning na ito.” Napatitig siya rito. “Alam mo namang utos pa ito kay Chano. Kaya hindi na pwedeng patagalin.” “Pero bakit kailangang gawin ito kay Ma’am?” “Wala kang karapatang magtanong, Dennis. Basta sumunod ka na lang!” Bumaling si Jericho sa ibang tauhan nito. “Bilisan niyo ang pag-set up! Dapat pagdating ni Bossing sa Maynila ay nai-send na ang video. Maliwanag?” Tumingin si Jericho sa kanya na may pagbabanta. “Gawin mo ang pinagagawa ko sa ‘yo, Dennis kung ayaw mong dalawin ko ang tiyuhin at tiyahin mo sa baba.” Naikuyom niya ang kamao. Hindi pa niya natatanggap ang mensahe kung tuluyan na bang nailikas ang dalawa. Pero kung pagbabasehan ang oras simula nang makatanggap siya nang tawag mula kanina, baka nakaalis na ang mga ito. Tumango siya para magkaroon na sila ng privacy. “Okay na?” dinig niyang tanong ni Jericho sa dalawang tauhang nag-aayos ng camera. Apat na camera ang nakita niya kaya napalunok siya. Damn! Ayaw niya sa lahat na may nanonood kapag nakikipag-s3x siya. Once niya lang nagawa ito sa misyon noon, pero hindi niya nagustuhan. Private na tao siya at may iniingatang pangalan din, kahit na sabihing hindi niya mukha iyon, nahihiya pa rin siya. Pero ngayon, totoong mukha niya ang makikita. Dahil lang sa balbas niyang tumutubo kaya medyo naitatago ang mukha niya. Lagi siyang clean kapag sa mga photoshoot at sa interview kaya hindi naman siguro siya makikilala. Kaso hindi pa rin niya gusto. Napapitlag si Dennis nang yakapin siya ni Sarah. God! Sobrang init na ng katawan nito. Ramdam na ramdan niya rin ang maiinit nitong hininga sa likuran niya kahit na may damit. “S-Sarah, stop it,” pigil niya nang haplusin nito ang likod niya. Talagang pinasok nito ang kamay sa loob ng damit niya. Sinundan din nito nang ungol kaya napalabi siya. “I’ve heard it all, Dennis. They chose you for me. Now, please, help me let go of these d4mn feelings…” pagmamakaawa nito. “I like it… Touch me, Dennis…” Kasunod niyon ang pagkiskis nito ng balat sa kanya. Hinarap niya ito at inilapit ang mukha sa tainga nito para bumulong. “Hold on, Sarah. I’ll get help for us. Alright?” Hinalikan niya ito sa labi para magkunwaring nagsisimula na siya. Ganoon din ang kamay niya, nagsimula na ring humaplos sa katawan nito kaya naman napaungol ito. Pero parang gusto niyang magsisi dahil sa pagtugon ng dalaga. Mapusok at sabik na sabik kaya napamura siya sa isipan niya. Mahirap na, baka makalimot siya. Iginiya niya ang dalaga sa paghiga, pero sinabay niya ang pagdukot ng cellphone at dinayal ang numero ni Tres. Walang camera sa bahaging uluhan nila kaya naipagpasalamat niya. Ilang sandali lang ay kumunekta na iyon kaya hinila niya ang unan at tinakip doon. “I want more, Dennis. Kiss me again,” pakiusap ni Sarah nang tumigil siya. “We’re late, I think,” ani ni Tres sa kabilang linya. “Hmmn.” Hinayaan niyang halikan siya ni Sarah. Kung makikita lang siguro ang adams apple niya ng mga sandaling iyon, panay ang alon. Tiningnan niya ang mata ng dalaga. Talagang nangingibabaw na ang gamot na nainom nito. Hindi na rin mapakali ang kamay nito. Kung saan-saan napapahawak at hindi nga sinasadyang nahawakan nito ang umbok na nasa pagitan ng mga hita niya. “Sh*t!” aniya nang maramdaman ang pag-unbuckle nito ng sinturon ng kanyang pantalon Bahagya niyang iniwas niya ang sarili nang akmang hahalikan siya nito sa labi. “Proceed as planned, Tres,” aniya rito sabay sakop ng labi ni Sarah. Kapwa sila napaungol nang tuluyang maglapit ulit ang labi nila. Hindi na niya napigilan ang sarili. Saka mukhang ayaw nitong tumigil hangga’t hindi siya nahahalikan. May kung sinong demonyong bumulong din sa kanya. Subalit nawala sa isipan niyang patayin ang linya, kaya dinig ni Tres ang ungol ng dalawa. Kaya naman napailing ito nang patayin ang linya. “I’ll just go along with it, Sarah. Once the extraction team arrives, I'll stop—and so will you.” paliwanag ni Dennis bago makalimot. “I can’t promise, Dennis. I want you to fvck me now,” pabulong nito na ikinatigil niya. “Please?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD