NAPALABI si Sarah. Paanong hindi siya magseselos? Nakikita ito ng babaeng iyon. Sana siya rin, nakikita niya si Dennis. “Eh ‘di, iparamdam mo sa akin ang sense of security, Dennis. Possessive man sa paningin niyo, pero gusto ko, ako lang ang babae sa buhay mo, Dennis. Lalo na ngayon na wala akong makita.” “Damn! Parehas lang tayo ng nararamdaman, sweet pea. Gusto ko, akin ka lang.” Kasunod niyon ang paghaplos nito sa katawan niya. Bumaba rin iyon sa hita niya. Subalit huminto rin iyon mayamaya. “If that’s the case, tayo na, Dennis.” “Talaga, Sarah?” Kung nakikita niya lang siguro si Dennis, baka makita niya ang mga ngiti nito. Kasi base sa boses nito, masaya ito. “Yes.” Napasinghap si Sarah nang biglang siilin siya nito ng halik. Nang makabawi siya, iniyakap niya ang kamay sa lee