Chapter 28: Dinner

1642 Words

PABALING-BALING si Sarah sa higaan. Hindi siya pumayag sa gusto ni Dennis na tumira kasama nito. Kahit anong pilit niya paalala kanina pero hindi siya nito maalala. Nagka-amnesia ba ito? Imposibleng hindi siya nito nakikilala. Oo, first time nilang magkaharap nang matagal noong kasal, pero imposibleng hindi man lang siya nito matandaan? May picture taking pa na sigurado siyang nataggap nito iyon. Hindi niya na alam kung anong oras siya nakatulog. Late siyang nagising nang umagang iyon kaya hindi niya naabutan ang Daddy niya. Ang sabi ng kasambahay nila, may pinuntahan. Kagabi pa niya napapansin, wala ang asawa ng ama. “Um, nasaan pala si Rina?” First name basis lang sila. Hindi niya pa rin ito tanggap bilang asawa ng ama lalo na ang anak nitong feeling tagapagmana na. “Nasa Dubai po.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD