Kung madalas, para kay Daxon ay mabilis lang na lumilipas ang mga oras, ngayon pakiramdam niya ay napakatagal. Kanina pa siya sabik na umuwi dahil sa pangako ni Helena sa kanya. Sabik na siyang muling may mangyari sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika ba ang hatid sa kanya ni Helena at ganito ang dulot nito sa kanya.
Napabuntonghininga siya nang muling tumingin sa relo at nakitang isang oras pa bago siya umuwi. Palagi siyang overtime, pero ngayong araw, gusto niyang umuwi on time.
“Panay po yata ang tingin mo sa oras, Sir?” tanong ni Eric nang mapansin ang madalas na pagsilip niya sa relo.
Nag-angat siya ng tingin saka nagkibit-balikat. “Wala naman…”
He continued doing his work on his desktop, trying to ignore Eric. Pero mukhang hindi siya nito tatantanan.
“Dahil ba kay Helena, Sir?”
“It’s not her…”
“May hindi ka po sinasabi sa akin…”
Huminto siya sa ginagawa at muling ibinaling ang tingin kay Eric. Walong taon nang nagtatrabaho si Eric para sa kanya at alam nito ang lahat ng nangyari sa kanya. Kasama na roon ang problema niya sa kanyang p*********i.
“Hindi naman kailangang sabihin ko sa ‘yo ang lahat, Eric.”
Nagkibit-balikat ito. “Sige po.”
Tatalikod na sana si Eric nang tawagin niya ito pabalik.
“Wait!”
Nakangiting muling humarap si Eric.
“Yes, Sir?”
“About Helena…” Saglit siyang tumigil, nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya ba o hindi… “I finally found a solution to my problem.”
“Problema saan, Sir? Sa…”
Tumango siya. “Oo…”
“Sinasabi ko na nga ba, Sir! May nangyari na agad sa inyo?”
Suminghap siya sa tanong nito. “Ah, kind of.”
“After almost two years, sa wakas!”
“What the heck? Bakit parang mas excited ka pa kaysa sa akin?”
“S’yempre, saksi ako sa pagiging frustrated mo nang dahil d’yan…”
Napailing na lamang siya at saka ikinuwento kay Eric ang ilang detalye ng nangyari. Hindi niya na ikinwento ang lahat, pero alam niya at ramdam niyang alam ni Eric na hindi niya sinasabi ang lahat.
“Basta Sir. Mag-ingat ka at hindi mo alam kung manggagamit lang ba iyang si Helena o hindi.”
“Yeah, of course.”
Naisip niya na rin naman iyon. Baka kaya pumapayag si Helena na may mangyari sa kanilang dalawa ay para gamitin siya pero sa pagkakataong ito, iisipin niya pa ba iyon? Handa naman siyang magbayad kung gano’n… He knows that her body is not free. Sa ngayon, sasamantalahin niya na muna ang pagkakataong ito.
Marahang niluwagan ni Daxon ang necktie na suot niya habang pagod na naglalakad papasok sa loob ng kusina. Sa wakas ay nakauwi na rin siya. Naaamoy niya agad ang mabangong niluluto ni Helena na adobo. Ewan niya ba, pero kung kanina’y pagod na pagod siya, ginanahan siya nang dahil sa amoy ng ulam, bigla siyang ginanahang kumain.
“Helena…”
Hindi natapos ang sasabihin niya nang pagsilip niya sa kusina ay nakita niya si Helena. Nakatalikod ito mula sa kanyang direksyon habang hinahalo nito ang kanyang niluluto. Umawang ang kanyang labi at bumaba ang tingin sa matambok nitong pang-upo.
Nakasuot lang si Helena ng simpleng spaghetti strap na damit at short shorts na pambahay. Hindi naman siya mukhang nagpapa-sexy, tila simpleng suot lang sa bahay… pero nang makita niya ang maputi, makinis, mahaba at malaman nitong hita, muling nabuhay ang kanyang alaga.
“Oh, Daxon. Nand’yan ka na pala!”
Nang humarap si Helena sa kanya, saglit siyang natulala nang mapansin naman ang dibdib nito.
“Tara kain na. Marami akong niluto para pwede pang almusal bukas.”
“Pwede bang mamaya na tayo kumain?”
Umawang ang labi ni Helena, nagtataka. “Ha?”
“I waited the whole day just for what you’ve promised me,” aniya sa nahihiya pang tono.
Bahagyang natawa si Helena. “Bago ang lamesa Daxon, huwag dito. Mamaya na, kumain na muna tayo. At saka, gising pa si Hans.”
“s**t,” he chuckled. “Where’s that little guy? Let’s hurry and eat so he can sleep and we can do our business.”
Napailing na lamang si Helena dahil sa ikinikilos ni Daxon. Lumabas agad ito ng kusina para kunin si Hans. Ang totoo, maghapon din niyang inisip ang tungkol doon. Hindi siya magaling sa s*x dahil si Daxon at Ronnie lang naman ang mga lalaking nakarelasyon niya nang seryoso. Kanina, naisipan niya pa talagang manuod ng p**n para lang magkaroon ng ideya sa kung ano ang dapat niyang gawin.
Nakapaghanda na sya ng pagkain nang bumalik si Daxon bitbit si Hans. Kung ibang tao siguro ang makakakita sa kanilang dalawa, iisipin kaagad na mag-ama nga sila. Si Daxon lang ang hindi nakakaalam na sa kanya si Hans… sa tingin niya, mabilis lang din naman niyang maaamin kay Daxon ang tungkol sa anak nilang dalawa. Kukuha lang siya ng tamang tyempo.
Naupo si Daxon sa isang upuan na naroon at kinalong si Hans.
“Hans, halika na…”
Kukunin niya sana si Hans pero mukhang nagustuhan na nito kay Daxon. Bahagyang natawa si Daxon saka hinalikan si Hans sa pisngi.
“It’s okay, ako na ang magkakarga sa kanya.”
“Sure ka? Baka hindi ka makakain nang maayos.”
“Then feed us instead.”
Umawang ang labi niya kasabay ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Saglit siyang napatitig kay Daxon, hanggang sa umiling siya at lumayo para maupo sa katapat na upuan.
“Sige…”
Tulad ng gustong mangyari ni Daxon, iyon nga ang kanyang ginawa. Hiwalay ang pagkain ni Hans kay Daxon. Una niyang sinubuan si Hans at nang si Daxon na ang susubuan niya, natawa siya nang makita ang nakaawang nitong labi.
“Para kang bata…”
“Come on, put it in my mouth,” he chuckled.
Tuluyan niyang sinubuan si Daxon. Ganoon ang nangyari, sinusubuan niya si Daxon at si Hans nang salitan. Habang si Daxon ay sarap na sarap sa pagpapakain niya rito, siya naman ay halos pagpawisan na nang malamig dahil sa paraan nito ng pagsubo sa kutsara. Tila nang-aakit kasi!
Nang matapos niyang pakainin ang dalawa, sarili naman niya ang pinakain niya. Habang si Daxon at Hans ay pumunta sa sala para maglaro. Nang matapos siyang kumain, naglinis lang siya sa kusina at dumiretso na sa sala para tingnan ang dalawa.
Naabutan niyang nanunuod si Daxon ng TV habang nakahiga si Hans sa kanyang braso, tulog na tulog. Ang sarap nilang pagmasdan. Hindi akalain ni Helena na masasaksihan niya ang ganitong senaryo. Akala niya, habambuhay na sila kay Ronnie, kay Ronnie na kahit kailan ay hindi nagpakita ng pagmamahal kay Hans. Mabuti na nga lang at hindi ito sinasaktan ni Ronnie… siya lang.
Nang mapansin siya ni Daxon, kaagad itong nag-angat ng tingin sa kanya.
“Tapos ka na?”
Ngumiti siya at saka tumango. “Oo…”
“Nakatulog na si Hans. I’ll bring him to your room.”
Sumang-ayon si Helena. Binuhat na nga ni Daxon si Hans habang siya ay sumunod sa kanilang dalawa. Habang karga ni Daxon si Hans, hindi niya maiwasang makaramdam ng konsensya. Nakokonsensya naman talaga siya… pero mas matindi lang ngayon. Kitang-kita kung gaano ito kalapit kay Hans kahit na iniisip nitong hindi sa kanya ang bata.
Nang mailapag na ni Daxon si Hans sa crib, nilingon siya nito.
“Pwedeng magtanong?”
Daxon shrugged and then smiled. “Sure. What is it?”
“Bakit ang bait mo kay Hans? Sa amin?”
Saglit na napatitig ito sa kanya. Gusto niyang aminin na kay Daxon ang tungkol kay Hans. Kailangan niya lang ng lakas ng loob… kabadong-kabado siya habang nakatitig kay Daxon, naghihintay ng sagot.
“I’m always like this,” sagot niya. “Mukha bang masama ang ugali ko?”
“Hindi naman sa gano’n… nagtataka lang ako… Ewan, hindi lang siguro ako sanay na tinatrato ako nang ganito…”
“How bad was it?”
“Hmm?” takang nag-angat siya ng tingin.
“Iyong trato niya sa ‘yo, gaano ba kasama?”
Yumuko si Helena saka umiling. “Mabait din naman si Ronnie. Kaya lang noong may nagawa akong kasalanan sa kanya, nag-iba na ang ugali niya.”
“To the point that he has to beat you up?”
Hindi na siya nakasagot doon. Lumapit sa kanya si Daxon at saka hinawakan ang ilalim ng kanyang baba, inangat saka siya tinitigan sa mga mata.
“No woman deserves that, Helena… Kahit ano pa ang nagawa mo sa kanya, wala siyang karapatang saktan ka.”
Ikaw ang ama ni Hans… Gusto niyang sabihin, pero hindi niya kaya. Natatakot siya na baka sa oras na sabihin niya iyon at hindi ito maniwala, palayasin sila bigla. O kung maniwala man, baka mag-iba ang turing sa kanya ni Daxon dahil sa pagtatago niya ng katotohanan.
Hindi pa man siya nakakapagsalita, hinalikan na siya ni Daxon sa labi.
“I need your promise now, Helena…” bulong nito sa pagitan ng kanilang mga labi.
Isa pa… pakiramdam niya ay nagiging mabait lang si Daxon sa kanya dahil nakukuha nito ang gusto niya sa kaniya. Natatakot siyang iyon lang ang dahilan.
Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng kwarto nila ni Hans. Hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Daxon. Pagkasarang-pagkasara ng pinto, sinugod niya agad ito ng halik. Marahang halik ang iginawad niya kay Daxon, malayo sa sabik na paghalik nito sa kanyang labi. Napapikit siya habang ninanamnam ang malambot at mabangong labi ni Daxon.
The way their lips move against each other, tila dinadala siya nito sa ibang mundo. Nahuhumaling siya sa malamyos na halik nito sa kanya, para siyang dinuduyan at pinapakalma. Bumabagal ang bawat paghinga niya sa bawat pagtama ng kanilang mga dila.
Hanggang siya na mismo ang humiwalay sa halik na iyon. Tumitig siya sa kulay trokolateng mga mata ni Daxon saka ito tinulungang hubarin ang lahat ng damit. Gumapang ang tingin niya mula sa mga mata nito, pababa sa labi, sa dibdib hanggang sa tiyan at sa naninigas na p*********i nito.
“Sa loob ng dalawang taon, ikaw lang ang nakapagpatigas nito…” ani Daxon.