CAMILLA "What exactly did you say?" maang na tanong ni Jared sa tabi ko. Maang-maangan pa siya kaya hindi na ako kumibo pa at baka kung ano pa ang ang masabi ko. Ganito naman ako e, I chose to keep quiet than say something na mauuwi na naman sa away. Hindi lang sa kan'ya kung 'di ganito talaga ang ugali ko kahit noon pa. Siguro kasi dahil sa ganito rin ako trinato ng mga magulang ko sa tuwing magtatalo kami at may gusto silang gawin ko. Kagustuan lang nila ang nasusunod kaya bakit pa ako sasagot at magpapaliwanag kung ayaw nila akong pakingan man lang. "Sweetheart," tawag ni Jared na niyakap ako ng mahigpit. Puro siya sweetheart niya, kan'ya na 'yon naiinis ako. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" mahinahon na tanong nito. Huminga ako ng malalim at hindi siya sinagot. Tahimik rin