CHAPTER 36: MATAPOS BASAHIN NI Lindsay ang address na ibinigay sa kanya ni Paxton, sinabi niya iyon kaagad sa taxi driver. Hindi niya alam kung saan iyon at wala rin siyang ideya kung ano ang naghihintay sa kanya pagdating niya. Ngunit tiwala siya kay Paxton, hindi siya bibiguin nito. Tahimik si Lindsay habang nasa byahe. Ni hindi niya tinitingnan ang cellphone niyang panay ang vibrate. She was nervous, nanlalamig ang mga kamay niya habang nasa byahe at nakadungaw sa bintana. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, kung excitement ba ito o kaba dahil baka pina-prank lang siya ni Paxton. Gayunpaman, kung prank man ito, yari talaga sa kanya si Paxton kahit na boss niya pa ito! Ilang minuto rin ang itinagal ng byahe, pero ang minuto, pakiramdam ni Lindsay ay inabot ng oras. Naiinip