CHAPTER 18: “YOU’VE ASKED ME before, kung ilang taon na akong single and I answered you. Ikaw? Ilang taon ka nang single?” Lindsay asked after biting on the slice of pizza she was holding. Nag-order na lang sila ng pizza at fried chicken kaysa magluto pa ulit. Nag-alok si Spencer na siya na ang magluluto pero hindi na iyon hinayaan ni Lindsay dahil nagugutom na rin siya. They will starve to death if they tried to cook. Doon na lang sila da praktikal kaysa magluto pa ulit. “Three years,” sagot ni Spencer. “Long time girlfriend ko siya, almost eight years.” “Since college?” gulat na tanong ni Lindsay. Spencer nodded. “Oo.” “Bakit kayo naghiwalay?” “Bakit curious ka?” Lindsay stopped then shrugged. “Nagtatanong lang naman.” Napangiti si Spencer dahil sa naging ekspresyon ni Lindsay.