CHAPTER 7: “ARAW-ARAW KONG inaabangan ang bagong kabanata ng kwentong isinusulat ng paborito kong manunulat. Walang espisipikong oras kung kailan siya nag-po-post ng update, kaya palagi akong nag-aabang umaga man o gabi. . .” Taimtim na nakikinig ang lahat sa kwentong ikinukwento ni Paxton. Hindi kailanman naging boring ang pagkukwento niya dahil magaling mag-kwento si Paxton, kung minsan ay may halo pa itong aksyon. Nilalagyan pa nga ng sound effects ng DJ na kinuha nila. Ngayon ay nasa ika-apat kwento na siyang binabasa, ang mystery-thriller. Hanggang sa natapos na siya sa pagbabasa ng romance, ang susunod naman ay ang erotica. “I would like to ask Ms. Maria Lindsay De Guzman as my co-reader,” Paxton chuckled. Last year, si Patty ang kasama ni Paxton na nagbasa ng erotica at romance.