CHAPTER 38: NAGMAMADALING TINAKBO NI Lindsay ang distansya patungo sa kanyang bahay. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Naging crime scene na ba ang bahay ni Lindsay sa loob lang ng isang gabi? Pero bakit naroon si Spencer? Isang mataba at malaking tiyan na pulis ang kinalabit niya. “Sir, excuse me? Ano pong mayro’n?” takang tanong ni Lindsay. Nilingon naman siya nito gamit ang masungit na mga mata. “E hindi raw sumasagot sa tawag ang girlfriend niya sa loob ng bente kwatro oras, baka raw kung ano na ang nangyari.” “Ha?” “Ewan, basta hinahanap namin ang girlfriend niya. Naghahanap kami ng witness kung sakaling may nakakita—” Hindi na natapos ng pulis ang kanyang sasabihin nang sumigaw si Lindsay. “Spencer!” tawag niya rito. Mabilis naman siyang nilingon ni Spencer. B