CHAPTER 10:

2002 Words

CHAPTER 10: “KUNG MAKASAMPAL KA sa ‘kin, parang galit na galit ka talaga.” Hinihimas-himas ni Spencer ang pisngi niya habang naglalakad sila palayo sa convenience store. Kanina noong nasa loob sila ng convenience store, halos pagalitan noong babaeng cashier si Lindsay, mabuti na lang at umawat si Spencer. She also offered to give him cold compress pero hindi na pumayag pa si Spencer dahil lumabas na lang bigla si Lindsay. Nilingon niya si Lindsay, hindi ito kumikibo. Kasi maging siya ay hindi rin naman talaga inakalang sasampalin niya na lang nang ganoon si Spencer. Nagulat din siya sa kanyang sarili kaya hindi siya makakibo. Nahihiya siya sa kung ano ang sasabihin niya rito. “Ano? Wala manlang bang sorry?” nakanguso at kuwaring nagtatampong tanong ni Spencer. Lindsay rolled her eyes.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD