Kabanata 43 Mabilis akong bumaba matapos namin marating ang air port, hindi ko alintana tingin ng mga tao sa suot kong hospital gown na sinusunan ko lang nang polo ni Anton. "Zandro.." Bulong ko habang nilalakad ang loob ng Airport.. "Zandro!" Lumakas na ang tinig ko na naka agaw pansin ng mga tao. "Miss may problema ho ba?" Lapit saakin ng Isang security officer. "Ah may hinahanap lang ho ako-" Na patuloy na lumilingap sa paligid. Tinalikuran ko ito at naglakad palayo dito. "Zandro!" Malakas kong tawag pero naramdaman kong may gumipit saakin kaya ako napalingon. "Excuse me,Miss hindi ho kayo pwedeng pumasok d'yan. Boarding na po ang eroplano." Pigil na saakin ng mga security. "Hindi, kailangan kong makausap si Zandro, dapat kaming mag-usap!" Hila ko sa kamay ng mga ito. "I'm sor

