Kabanata 36 Madami nang tao nang dumating kami, dahil nga children's party ito ay medyo maingay sa loob nang function hall. Puno nang decorations ang paligid at iba't ibang kulay ng lobo, may Clowns rin sa bandang sulok ng stage kung saan naroon ang ilang bata na nanood. Nilibot ko pa ang paningin sa paligid at natuon ang pansin ko mini stage kung saan naroon ang malaking banner kasama ang picture nang kambal na sina Marion at Matthew. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan dahil parang ayoko nang lumingon pa kung saan dahil sa takot na makita siya. Napapikit ako nang maramdaman ang pag gagap ni Tristan sa kamay kong nanlalamig. "Just stay calm, I'm here for you." Na mas hinigpitan pa ang gagap sa kamay ko. Bahagya lang ako nag tango sa kaniyang tinuran at bahagya ring ngumiti. "Amber!

