NAPANGITI si Nick nang malaman niya sa isang empleyado ng Sarte na nasa loob din ng kumpanya si Ellise at kasalukuyang nasa isang urgent meeting. Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob at nagawa pa ring pumasok sa kumpanya sa kabila ng kalokohang ginawa. Ngunit sa kabilang banda ay ikinatutuwa niya ang lakas ng loob at kapal ng mukha na mayroon ito. Dahil kung iisipin ay hindi na siya mahihirapan pang hanapin ito. Hawak-hawak niya ang palad ni Soffie nang tunguhin nila ang conference room. Walang habas niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. “The meeting has ended. You may leave this room... now,” may diin sa kaniyang mga salita. At nang banggitin niya ang huling kataga ay kaagad na nagsilabasan ang mga tao sa silid. Nakatutok lamang ang madilim niyang mga mata kay

